Susan Roces among Sen. Grace Poe's biggest campaign contributors

Si Senator Grace Poe sa ngayon ang tinaguriang 'highest spender' sa mga tumakbo sa pagka-presidente nitong nakaraang eleksyon. Isa naman sa may malaking naiambag sa kanyang kampanya ay ang inang si Susan Roces na umabot sa halagang P25 million.


Ngayong hindi pa nakapag-file ng kanyang statement of contributions and expenditures (SOCE) ang natalong pambato ng Liberal Party na si Mar Roxas, maituturing pa ring si Senator Grace Poe ang may pinakamalaking nagastos sa kampanya nitong nakaraang eleksyon.

Umabot sa P510,845,262.56 million mula sa kabuuang campaign donations na P511,950,000 million ang nagastos ng independent candidate.

Sinundan naman ito ni Vice President Jejomar Binay na gumastos ng P463,375,216.37 mula sa P463,453,000 million na natanggap na cash donations.

Si President-elect Rodrigo Duterte naman ay gumastos ng 371,461,480.23 million, samantalang si Senator Miriam Defensor Santiago ay gumastos lamang ng P74.65 million.

Read: Duterte spent P371M, Robredo P418M in campaign money as shown in their SOCEs

POE’S BIGGEST CONTRIBUTORS. Sinu-sino nga ba ang nagbigay ng cash donations kay Poe?

Ayon sa ABS-CBN News Online, nakasaad sa SOCE ni Poe na ang isa sa pinakamalaking nagbigay ng pondo sa kanya ay ang ina niyang si Susan Roces.

Umabot ito sa P25 million—una noong February 9 kung saan nagbigay si Susan ng P10 million at sinundan naman ito ng P15 million noong February 23.

Ang kanya namang asawang si Teodoro ''Neil'' Vera Llamanzares ay nag-ambag ng P6 million.

Five million pesos ang ibinigay niyang contribution sa kampanya ng misis noong February 23 at P1 million naman noong April 22.

Ang ilan pa sa mga nag-donate sa kampanya ni Poe ay ang mga sumusunod:

Teodoro Paraiso Llamanzares - P4 million

Oscar Astudillo Valera Jr. - P50 million

Odilon Tiongson Sta. Teresa - P20 million

Maria Delas Mercedes Urquijo Zobel - P20 million

Marvin Mangonon Go - P15 million

Ramundo Martin Maslog Escalano -P10 million

Mario Santos Tan - P10 million

Bryan Uy Villanueva - P10 million

Rowena Villafuerte Ramos - P7 million

Marilyn Maestral Lacsa - P7 million


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN