Elmo Magalona balances love team with Janelle Salvador and real-life relationship with Janine Gutierrez

Elmo Magalona shows brotherly concern in his love team with Janelle Salvador. He says, "Gagawin ko lang ang best ko na hindi siya mabigla sa mga stuff… dahil yun nga, she's younger than me."

 


“I don't wanna people see me fake. I want people to see the real me.”

Ito ang pahayag ni Elmo Magalona patungkol sa pagiging honest niya sa relasyon nila ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

May kinalaman ito sa nilulutong love team nilang dalawa ni Janella Salvador, sa bakuran ng ABS-CBN, na kung tawagin ngayon ay ElNella.

Ibig bang sabihin nito ay mas ingat na siya sa kanyang mga kilos para hindi magkaroon ng problema sa kanilang dalawa ni Janine?

Paglilinaw ni Elmo, “No, no… mas ingat ako kay Janella because I know that she's younger than me.

“So, marami pa siyang... like, this is her first romantic approach in a soap.

“So, gagawin ko lang ang best ko na hindi siya mabigla sa mga stuff.

“Na hindi siya mabigla dahil, yun nga, she's younger than me.

“She's just eighteen, ako, I just turned twenty-two.”

Siya nga raw ang mas mature sa kanilang love team kaya willing naman daw si Elmo na alalayan si Janelle.

Sabi ng dating Kapuso actor, “Yeah, I'll just guide her.

“Kung ano pa ang mga puwede kong maituro, ganyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press si Elmo sa presscon ng primetime teleserye nila ni Janella na Born For You, na ginanap sa ABS-CBN compound noong Martes, June 7.

ON THE SET. Nag-suggest ba siya kung anong eksena ang hindi nila puwedeng gawin ni Janella para maprotektahan ang relationship nila ni Janine?

Saad ni Elmo, “For me, it's now… hindi dahil dun kundi kung ano siyempre ang makakabuti.

“Kasi siyempre, first project pa lang namin ni Janella.

“So, I guess, hindi naman maipapakita ang lahat… just it talaga.”

Hindi kaya makaapekto sa love team nila ni Janella na involved siya sa iba sa totoong buhay?

Pahayag ni Elmo, “I don't think it's a big factor coming in to our soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like what I've said, it's the story that we bring out, and the story... you’re gonna love it.”

Ang teleserye nila ni Janella na Born For You ang papalit sa iiwanang time slot ng The Story of Us.

Handa na ba si Elmo sa comparison sa ibang sikat na love teams tulad nina Kim Chiu at Xian Lim?

Aniya, “There's no really comparison, lalo na't KimXi is really one of the most established love teams of this network.

“We hope that our soap can live up to the time slot.”

Tungkol naman sa kanilang teleserye, saan ba siya excited?

Tugon ng 22-year-old Kapamilya actor, “It's more of the trust that Dreamscape gave us.

“While reading the script, I start falling in love Sam [character ni Janella].

“With Kevin [character niya], I don't really don't know.

“But later on as the story unfolds, I think it's really nice.

“From the trailers they sent out, si Sam and Kevin are singing.

“So music is really a big part of this, we have many other songs.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN