Sunshine Cruz wants to settle annulment case first before accepting suitors

Sunshine Cruz on her three daughters: "Pag kunwari mayroon akong mapusuan in the future, and sinabi nila na hindi nila gusto para sa akin, hindi ako magdadalawang-isip, bibitiwan ko para sa kanila. Sabi ko nga, I couldn't ask for more, sila yung sobrang kayamanan ko. And I'll be forever grateful and thankful that I have them."


Gusto munang tapusin ni Sunshine Cruz ang annulment case nila ng asawang si Cesar Montano bago siya pumasok sa panibagong relasyon.

Kaya personal choice daw niyang huwag munang magka-love life ngayon habang ongoing pa ang annulment.

Sabi ng 38 year-old Kapamilya actress, “Gusto ko kasi mag-start ng clean slate, yung pag tapos na yung annulment.

“So, I’m hoping for the best na sana nga within the year, or bago man lang ako mag-kuwarenta para naman makakita tayo ng true love.”

Ito ang inamin ni Sunshine sa kanyang first guest appearance sa isang talk show kasama ang kanyang tatlong anak na mga babae kay Cesar na sina Angelina, Samantha, at Francheska sa ABS-CBN morning program na Magandang Buhay, na umere kaninang umaga, June 10.

Pero may mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

Sagot niya, “May mga nanligaw pero binasted ko kasi walang spark.

“Parang for my age, I’m turning 39, kung walang spark, papatagalin mo pa ba?

“Tapos sila mga kuwarenta mahigit na, e, baka mamaya sisihin ka pa.

“So, ang akin, parang kung wala namang spark, turn down na.

“And I know God is preparing someone for me, yung the best pine-prepare Niya.”

DAUGHTERS’ APPROVAL. Natanong naman ang mga anak ni Sunshine kung okay lang ba sa kanilang magka-love life na ulit ang mommy nila.

“Yeah, we just want her to be happy,” sagot ni Angelina, na sinang-ayunan din ng dalawang kapatid niya.

Pag-amin pa ni Sunshine, ang mga anak na nga niya ang nagtutulak sa kanya para magkaroon ng panibagong love life.

“Sila pa yung nagpu-push sa akin na makipag-date. Ang sabi ko, ‘Wala pa nga.’”

Top priority daw ni Sunshine ang kanyang mga anak. Pero ano ang willing niyang i-give up para sa kanyang mga anak?

Ayon sa aktres, “Yung career, hindi ko magi-give up.

“Pag sinabi nilang huminto akong magtrabaho, wala kaming kakainin, hindi puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pag kunwari mayroon akong mapusuan in the future, and sinabi nila na hindi nila gusto para sa akin, hindi ako magdadalawang-isip, bibitiwan ko para sa kanila.

“Sabi ko nga, I couldn’t ask for more, sila yung sobrang kayamanan ko.

“And I’ll be forever grateful and thankful that I have them.”

Ano ang gusto niyang ipamana sa kanyang mga anak?

Ayon kay Sunshine, “Ako, gusto ko lang na lumaki sila na mabubuting tao.

“Kapag ang kalooban mo ay mabuti, matulungin ka, may respeto ka sa kapwa, mapagmahal ka, lalapitan at lalapitan ka ng mga tao.”

THANKFUL. Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Sunshine sa kanyang Twitter account (@sunshinecruz718) sa magagandang feedback na natanggap niya sa Magandang Buhay guest appearance nilang mag-iina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN