Enchong Dee sticks to his statement about the Marcoses

Enchong Dee apologizes to the Marcoses, but sticking to what he said on Twitter. He says, "You really have to hold on to what you say… It's what I believe in. It's my opinion so I'll stick to that."

 


Kabilang si Enchong Dee sa naging biktima ng posers at haters sa social media nung kasagsagan ng eleksyon.

Nag-ugat ito sa naging statement ng aktor na: “A Marcos will be a Marcos.”

Dito ay binalikan siya ng isang poser na ginamit ang katauhan ni Sandro Marcos, anak ni vice-presidential candidate Sen. Bongbong Marcos, at nag-tweet ng: “A gay is always a gay.”

Agad namang nilinaw ni Sandro na hindi niya personal account ang @sandromarcos07 dahil ang totoong Twitter account niya ay @sandromarcos7.

Kasunod nito ang paghingi niya ng dispensa kay Enchong.

Sumagot naman ang aktor sa kanyang Twitter sabay ang paghingi rin ng dispensa sa nasabi sa pamilyang Marcos. Masyado lang daw siyang nagpatangay sa init ng eleksyon.

Si Enchong ay naging bukas sa kanyang pagsuporta sa kababayan niyang si Leni Robredo, na tumakbo at nanalong vice president.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Enchong sa presscon ng Knowledge Channel nung Miyerkules, June 8, aminado itong dahil sa ginawa ni Sandro ay nakuha nito ang respeto niya.

Ani Enchong, “Sabi ko nga, I salute him for that.

“I don’t know them personally but he really got my respect for that.

“Ako kasi, hindi ako nag-react… I’d rather not speak about that anymore.

“It’s very sensitive and even until now, it’s being talked about.

“I’d rather not, but I’ll stick to what I’ve tweeted.”

Pinaninindigan daw niya kung ano ang kanyang nasabi dahil ito ang kanyang pinaniwalaan.

“I guess when you get older in the business, you really have to hold on to what you say.

“And I’ll stick to that, it’s what I believe in.

“It’s my opinion so I’ll stick to that.”

Dagdag pa ni Enchong, “Sabi ko nga, not everyone can do what I usually do… the way I answer things [in social media].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not every artist can do that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN