Is ABS-CBN franchise to operate in limbo for airing anti-Duterte ad?

Nanganganib nga bang hindi ma-renew ang legislative franchise ng ABS-CBN to operate dahil sa pag-ere nito ng anti-Duterte ad nitong nakaraang campaign para sa election? Sa March 2020 na mag-e-expire ang legislative franchise ng network at kailangang makuha ang approval ng mababang kapulungan ng kongreso na kontrolado umano ng "super-majority" ni incoming President Rodrigo Duterte.


Namimiligro nga ba ang ABS-CBN na hindi makakuha ng 25-year legislative franchise to operate ngayong hawak ng "super majority" ni President-elect Rodrigo Duterte ang 17th Congress?

Ayon sa ulat ng Inquirer.net ngayong araw ng Sabado, June 11, hindi raw kasi naaprubahan ang application ng giant media company noong September 2014 sa panahon ng 16th Congress.

Sa pag-upo ng bagong administrayon sa June 30, at sa pagbubukas ng 17th Congress sa July 25, kontrolado raw ng mga kaalyado ni incoming President Duterte ang mayorya ng mababang kapulugan ng kongreso.

Sila rin daw ang mga taong hindi nagustuhan ang diumano’y negatibong pag-atake ng ABS-CBN kay Duterte noong panahon ng kampanya.

Isa rito diumano ang pag-ere ng anti-Duterte ad gamit ang mga bata kung saan ipinakita ang mga pagmumura at hindi magandang salitang binitawan ni Duterte.

Tanging sa ABS-CBN lamang umere ito.

Pinondohan ni Senator Antonio Trillanes, independent vice-presidential aspirant, ang naturang TV ad.

MARCH 30, 2020. Sa darating na March 30, 2020, mag-e-expire na ang dalampu’t limang taong prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon pa sa ulat ng Inquirer, minarapat daw ng ABS-CBN na mag-apply na ng legislative franchise noon pang 2014, anim na taon bago mag-expire ang kanilang prangkisa, dahil ayaw daw nilang maipit sa proseso sa ilalim ng isang "unfriendly administration."

Sa miyembro ng kongreso na nakausap ng nasabing pahayagan, napag-alaman nilang mahigpit ang pagpalag sa aplikasyon ng ABS-CBN lalo na mula sa mga cable operators.

Humingi raw ang mga mambabatas ng public hearing.

Kulang rin daw ng suporta mula sa mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino sa kongreso ang aplikasyon ng radio-and-TV giant.

Naramdaman daw kasi ng mga kongresista na masyadong "personal and offensive" ang mga atake ng istasyon kay President Aquino.

Dahil hindi raw naaprubahan ng komite ang kanilang aplikasyon, hindi ito napag-usapan sa plenary session.

ABS-CBN REACTS. Sa isang public statement na inilabas ngayong araw din, sinabi ng ABS-CBN na purong espekulasyon lamang ang haka-hakang hindi na ma-i-extend ang kanilang franchise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa ang network na iiral ang demokrasya at freedom of speech sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Narito ang kabuuang pahayag ng ABS-CBN:

"ABS-CBN Corporation’s franchise to operate and maintain television and radio broadcasting stations will expire in 2020.

"ABS-CBN opted for an early renewal application in September 2014 and went through the normal legislative process. But due to time constraints, ABS-CBN later decided to withdraw the application with the intent of seeking renewal in the 17th Congress.

"Claims that the franchise will not be extended are purely speculative.

"For the franchise renewal, we believe that our government will uphold the ideals of democracy including the rights to freedom of speech and expression.

"ABS-CBN is committed to be in public service by providing news and information that matter to the Filipino, as we have been doing for the past decades."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN