President-elect Rodrigo Duterte asks Aiza Seguerra and Liza Diño's help in promoting arts and culture

Malaki ang pasasalamat nina Aiza Seguerra at Liza Dino na bibigyang importansiya ni President-elect Rodrigo Duterte ang sining at kultura sa administrasyon nito.


Humingi ng suporta si President-elect Rodrigo Duterte sa mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño upang lalo pang mapagyabong ang sining at kultura sa bansa.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online ngayong araw ng Sabado, June 11, nagpulong kagabi, June 10, sina Aiza, Liza, at ang bagong halal na pangulo sa Davao.

Sina Aiza at Liza ay mga die-hard supporters ng incoming president.

"He's asking us for help, so magpupulong na kami ng mga artist friends, so that once we meet up with him, meron na kaming nakahandang mga puwedeng gawin,” ang kuwento ni Aiza sa mga reporters sa Davao matapos ang meeting nila ni Duterte.

Nagpasalamat naman si Liza na bibigyang halaga ng president-elect ang sining at kultura.

Sabi pa niya, "Nakakatuwa kasi siya mismo yung nagsalita talaga, nagsabi sa amin na parang, 'Let's work on arts and culture. Mga Pilipino tayo. You know how much I love this country.'”

KIDAPAWAN FARMERS. Samantala, humingi din ng ayuda sina Aiza at Liza mula kay Duterte tungkol sa mga magsasaka ng Kidapawan, North Cotabato na naging biktima ng madugong dispersal noong April 1, pati na sa mga lumads o katutubo na kasalukuyan pa ring nasa evacuation centers.

Nangako naman daw si Duterte na bibigyan niya ito ng karampatang pansin pagkaupo sa tungkulin.

Kuwento ni Liza sa Instagram, “Hindi pa tapos ang laban ng ating mga kapatid na magsasaka na nagkilos protesta sa KIDAPAWAN.

"Sa kasalukuyan ay pansamantala silang malaya dahil sa piyansa ngunit patuloy pa rin ang pangigipit sa kanila ng gobyerno.

"Si Lola Valentina, 78 years old, na inakusahan ng direct assault ay lumisan sa kanyang tirahan at pansamantalang tumitira sa isang sanctuary pagkatapos syang puntahan sa kanyang bahay noong June 2, at alukin P60,000 para iatras ang sinampa niyang kaso laban sa mga pulis.

"Hindi nila tinanggap ang suhol kaya't minabuti ng kanyang mga kapamilya na dalhin siya sa mas ligtas na lugar upang malayo siya sa panganib.

"Binisita namin sila kahapon para ipakita ang aming patuloy na pakikiisa sa kanilang laban para sa hustisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakalulungkot isipin na sila pa ang naiipit ngayon dahil lang sa simpleng kahilingang magkaroon ng bigas sa kanilang hapag-kainan.

"Sa kabila nito ay nananatili silang matatag at naniniwala sila na sa pamumuno ni mayor Duterte, tuluyan silang mapapawalang sala at matutugunan ang kanilang mga hinaing.

"Last night, we had the chance to have a brief talk with our dear president and we aired out our concern for our Kinapawan farmers and the Lumads na nasa bakwit centers pa rin hanggang ngayon.

"He listened to us and He gave us the assurance that he willl make it his priority as soon as he assumes office kaya umaasa kaming konting panahon na lang ang kanilang titiisin.

"Ramdam namin ang sinseridad ng ating pangulo kaya umaasa kaming he will live up to this promise.

"Para sa ating lahat, Ipagpatuloy natin ang pakikiramay sa kanila hanggang makamit nila ang hustisya."

Hindi pa tapos ang laban ng ating mga kapatid na magsasaka na nagkilos protesta sa KIDAPAWAN. Sa kasalukuyan ay pansamantala silang malaya dahil sa piyansa ngunit patuloy pa rin ang pangigipit sa kanila ng gobyerno. Si Lola Valentina, 78 years old,na inakusahan ng Direct Assault ay lumisan sa kanyang tirahan at pansamantalang tumitira sa isang sanctuary pagkatapos syang puntahan sa kanyang bahay noong june 2 at alukin P60,000 para iatras ang sinampa nyang kaso laban sa mga pulis. Hindi nila tinanggap ang suhol kaya't minabuti ng kanyang mga kapamilya na dalhin sya sa mas ligtas na lugar upang malayo sya sa panganib. Binisita namin sila kahapon para ipakita ang aming patuloy na pakikiisa sa kanilang laban para sa hustisya. Nakalulungkot isipin na sila pa ang naiipit ngayon dahil lang sa simpleng kahilingang magkaroon ng bigas sa kanilang hapag-kainan. Sa kabila nito ay nananatili silang matatag at naniniwala sila na sa pamumuno ni mayor Duterte, tuluyan silang mapapawalang sala at matutugunan ang kanilang mga hinaing. Last night, we had the chance to have a brief talk with our dear president and we aired out our concern for our Kinapawan farmers and the Lumads na nasa bakwit centers pa rin hanggang ngayon. He listened to us and He gave us the assurance that he willl make it his priority as soon as he assumes office kaya umaasa kaming konting panahon na lang ang kanilang titiisin. Ramdam namin ang sinseridad ng ating pangulo kaya umaasa kaming he will live up to this promise. Para sa ating lahat, Ipagpatuloy natin ang pakikiramay sa kanila hanggang makamit nila ang hustisya. #bigashindibala #justiceforourkidapawanfarmers

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN