Elmo Magalona reaffirms solid relationship with Janine Gutierrez

Contrary to rumors fueled by his new loveteam with Janella Salvador, Elmo Magalona reaffirms that his relationship with Janine Gutierrez remains strong: "We have the same thing naman. She also has a project now with a different loveteam...No conflicts at all. We both support each other."

 


Open book ang relasyong Elmo Magalona at Janine Gutierrez, kaya’t noong tanungin namin ang aktor tungkol sa estado ng kanilang relasyon ay mabilis niyang inamin na sila pa rin.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa presscon ng Born For You noong June 7.

Ayon kay Elmo, maging ang kaparehang si Janella Salvador ay alam ang tungkol sa kanyang love life.

“I think dapat ako ang sasagot niyan.

“Nung first time pa lang kaming nagkakilala, sinabi ko yun sa kanya kaagad. It’s the first thing na sinabi ko.

“Sinabi ko there’s nothing to be worried about.

“On my part, ako na mismo ang nag-open up. I did what I had to do.

“Ako na nagsabi sa kanya that there’s nothing to worry about,” paninigurado niya.

Naniniwala si Elmo na dahil matalino na ang mga manonood ngayon, mas mahalaga pa rin ang istorya para sa isang proyekto kaysa sa personal na relasyon ng isang magkapareha.

Lahad niya, “I don’t think it’s a big factor with our soap.

“Like I’ve said, it’s more of the story we have to bring out. The story, you’re going to love it.”

NO CONFLICTS. Nang tanungin naman kung hindi kaya makakaapekto sa relasyon nila ni Janine ang pakikipagtambal niya kay Janella, siniguro naman ni Elmo na di ito magiging problema.

“We have the same thing naman.

“She also has a project now with a different love team.

“Kung ano ang naranasan ko noon, naranasan din niya. No conflicts at all.

"We both support each other.

“They’ve met na,” pagtukoy niya kina Janine at Janella.

Kumusta naman ang work relationship nila ni Janella?

Masayang kuwento ni Elmo, “Actually, di siya mahirap sa akin to adjust because like I’ve said, when you talk to Janella, she’s very approachable naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s nice and hindi ako nahirapan to be comfortable with her.

"Walang wall.”

NOT BOTHERED BY BASHERS. Unang naipareha si Janella kay Marlo Mortel kaya may mga tagahanga na rin ang dalawa.

Kaya noong inanunsiyo na magkakaroon na ng tambalang ElNella, nakaranas si Elmo ng pamba-bash mula sa mga MarNella.

Saad ng aktor, “Yes. Di talaga maiiwasan yun.

“But siyempre, it wasn’t really our choice to be put on the spot.

“Pero yun nga, we just really want to share this very lovely story na makikita sa Born For You.

"Sana ma-in love ang mga viewers kila Kevin and Sam [their respective characters].”

Ang Elnella ang sinasabing susunod na ipu-push ng Kapamilya network at maaaring humanay raw sa tambalang JaDine, KathNiel at LizQuen.

Para naman kay Elmo, ang focus niya ay ang magustuhan ng mga manonood ang Born For You at ma-in love sa mga karakter na gagampanan nila ni Janella.

Pag-amin niya, “Siyempre pressure yun.

“Para sa amin naman, marami na kaming naririnig na maraming magagandang feedback about sa show namin.

“Ako, as long as ma-in love nga ang mga tao kila Kevin at Sam, masaya na ako dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN