Enchong Dee admits fault in breakup with Samantha Lewis

Enchong Dee tries to analyze the reasons that might have led to his breakup with Samantha Lewis: "I think I was focused with a lot of things during that time. Travels, relationship, a little bit of work, nag-host pa ko, nag-album ako. Parang ang dami kong diversion na hindi ko na alam kung saan ako, ano ang gusto ko talaga."

 


Matagal-tagal na raw na hiwalay si Enchong Dee sa ex-girlfriend niyang si Samantha Lewis noong sinimulan niyang gawin ang pelikulang I Love You to Death ng Regal Films.

Kaya hindi niya masabing kung nakatulong ba ang pagiging busy niya para makapag-move on.

Ayon kay Enchong, noong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng upcoming movie niya sa Valencia Events Place, Quezon City, kahapon, June 10, “Matagal na rin naman kasi and masasabi ko naman din na this year, I’m really going to work with or without breakup.

“I really need to work simply because it’s my tenth year.

“Sabi ko nga, this is my tenth movie and it’s my tenth year.

“Sabi ko nga, I really need to go back with my strength and where the people embraced me before, which is movies and TV, that’s why I’m doing all of it.”

DISTRACTED? Diretso naming tinanong si Enchong kung sa pakiramdam niya, noong naging sila ng dating girlfriend, naapektuhan ba ang kanyang career o nabawasan ang kanyang projects?

Sagot niya, “Hindi naman, siguro naiba ang focus.

“Pero ayoko kasing isisi sa relasyon yung nangyari sa akin.

“Kumbaga, ako rin mismo, may kasalanan ako.

“Naging choosy ako sa gagawin kong proyekto, di ba?”

Dalawang taon din ang itinakbo ng relasyon nila at wala raw siyang pinagsisisihan.

“Definitely wala,” saad niya.

Si Enchong na rin ang nagsabi na bago siya nagpunta sa presscon ng pelikula niya, magka-text pa raw sila ng kanyang ex.

Aniya, “Sabi ko sa kanya, I’m sure iinterbyuhin na naman ako.

“Tayo na naman ang pag-uusapan, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na I’ll protect you as much as I can and if you need anything, I’m here.”

Nilinaw rin ni Enchong na walang third party sa paghihiwalay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Falling out of love?

“Hindi, hindi naman,” tanggi niya.

“Siguro, kailangan ko lang talagang i-divert ang lahat ng attention at time ko sa work.”

So na-distract nga siya sa pagkakaroon ng lovelife?

Pag-amin niya, “Ayoko kasing sabihin na ganun, na na-distract.

“But I think, I was focused with a lot of things during that time.

“Travels, relationship, a little bit of work, nag-host pa ko, nag-album ako.

“Parang ang dami kong diversion na hindi ko na alam kung saan ako, ano ang gusto ko talaga.”

NO REGRETS. Wala rin naman daw panghihinayang si Enchong kung kumpara dati ay sinasabing isa siya at ang ka-love team niya noong si Erich ang mga pambato ng network.

Ngayon kasi, marami na rin leading men gaya nina Enrique Gil at James Reid.

“Wala, walang panghihinayang,” saad niya.

“During the two years that I was on break, hindi ko rin talaga gusto.

“That’s why I ventured into hosting and doing an album simply because that’s what I really love during that time.

“And ayokong gumawa ng isang proyekto na wala naman dun ang puso ko nang buong-buo.

“Sabi ko nga, hindi ko puwedeng isisi sa ibang factor. Isisi ko siya sa sarili ko.”

Pagkatapos ng love team nila ni Erich, masasabing tila wala masyadong tinangkilik sa mga sumunod niyang naging ka-love team.

Samantalang si Erich naman ay tanggap ang reel and real-life love team nito sa boyfriend na si Daniel Matsunaga.

May panghihinayang din ba siya sa nagwakas na love team nila?

“Hindi rin, simply because, yun nga ang nakakatawa.

“Hindi sa akin disappointment yung two years kong ginawang break. It was more of a breather for me.

“Kung mapapansin niyo, na-drain ako kasi sunud-sunod yung proyekto ko nung time na yun.

“Nagpepelikula 'tapos nagsu-soap. Parang hindi na 'ko ganun kasaya sa ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I needed that two years so hindi rin ako na-bother na may mga pumapasok na bago, simply because I know what I can do,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN