Miss Philippines Earth 2016 is Imelda Schweighart from Puerto Princesa, Palawan

Imelda Schweighart (left), from Puerto Princesa, Palawan, beats 45 other ladies for this year's Miss Philippines Earth 2016 title.


Kinoronahan na ang bagong Miss Philippines Earth 2016.

Forty-six candidates mula sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo ang naglalaban-laban sa limang titulo na Miss Earth Philippines 2016, Miss Earth Philippines–Air, Miss Earth Philippines-EcoTourism, Miss Philippines Earth-Fire, at Miss Philippines Earth-Water.

Ang tinanghal na Miss Philippines Earth 2016 ay si Imelda Schweighart mula sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang naging mahigpit niyang kalaban ay ang kandidata mula sa London na si Kiara Giel Gregorio na kinoronahan namang Miss Philippines Earth-Air.

Ang tinanghal na Miss Philippines Earth-Water ay si Loren Mar Atajos ng Laoag City.

Ang Miss Philippines Earth-Fire naman ay si Shannon Rebecca Bridgman mula sa Rosales, Pangasinan.

Nagwagi namang Miss Philippines Earth-EcoTourism si Melanie Mader mula Vienna, Austria.

Ginanap ang coronation night sa UP Theater, Diliman, Quezon City.

Dapat sana ay ang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite ang venue lalo pa't ipagdiriwang ang Independence Day bukas, June 12, pero hindi ito natuloy dahil sa unpredictable weather.

Si Robi Domingo ang nagsilbing host.

Ang mga nakatanggap naman ng special awards ay ang sumusunod:

Eco-video Award: Quezon City

Eco-warrior Award: Lobo, Batangas

Community Project Award: Muntinlupa City

Miss SM City Market: City of Alaminos, Pangasinan

Miss Hana 2016: London

Best Terno Award (Long Gown): Jolo, Sulu

Pasok naman sa Top 12 ng pageant sina:

  1. Charinna Barro ng Cagayan de Oro
  2. Athena Mari Jamaica Catriz ng City of San Pedro, Laguna
  3. Jessica Zevenbergen ng Murica, Negros Occidental
  4. Loren Mar Artajos ng Laoag City
  5. Melanie Mader ng Vienna, Austria
  6. Joanna Rose Tolledo ng Caloocan City
  7. Maria Fatima Al-sowyed ng Dumaguete City
  8. Imelda Schweighart ng Puerto Princesa, Palawan
  9. Kiara Giel Gregorio ng London
  10. Zamboanga City, Bellatrix Tan
  11. Shannon Rebecca Bridgman Rosales, Pangasinan
  12. Krissandra Marie Abel ng Lobo, Batangas

Photos lifted from Facebook accounts of winners except for Melanie's which was lifted from MissPhilippinesEarth.com.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN