Ryzza Mae Dizon turns 11; excited about new comedy show

As Ryzza Mae Dizon celebrates her 11th birthday, she admits that she doesn't feel like a teener yet, and remains very much a kid at heart: "Hindi pa po, hindi ko pa po feel. Ganun pa rin naman, mahilig pa rin akong maglaro. Gusto ko pa rin palagi sa playground."

 


Noong Biyernes ng umaga ay nagwakas na ang morning serye na Princess in the Palace.

Nagwakas man ito, patuloy pa rin namang mapapanood ang Aling Maliit na si Ryzza Mae Dizon sa panibago naman niyang morning serye.

Magsisimula na bukas, June 13, ang bago niyang serye sa GMA-7, ang Calle Siete.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryzza sa taping ng Calle Siete sa Quiapo, Manila noong June 6, hindi nito itinangging magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya.

Ayon kay Ryzza Mae, “Nalungkot po dahil siyempre, yung ibang cast dun, naging close namin.

“Pero masaya naman po kasi may bago naman pong show.”

Sila pa rin naman ng aktres na si Eula Valdes ang magkasama.

“Opo, masaya po, kaya lang po, magkaiba na po ang eksena.”

Inamin ni Ryzza Mae na naging close sila ni Eula.

“Opo, ang dami po naming ginagawa. Minsan nilalagay niya 'ko sa maleta. Kasi po, kasya po ako.

“Tapos piniktyur niya, nilagay niya sa IG niya. Binigyan niya rin ako ng pillow, saka pabango po,” masayang kuwento niya.

STILL A BABY AT HEART. Sampung buwan din daw ang itinagal sa ere ng Princess in the Palace. Ngayon naman, bilang si Barbie naman ang karakter na ginagampanan niya sa Calle Siete.

Aniya, “Ako po si Barbie Delloso, wala po siyang magulang, may Kuya po siyang dalawa.

“Tapos, ayaw na po niya ng bine-baby, gusto na po niyang mag-dalaga.”

Kaya ang hirit namin kay Ryzza, parang siya pala sa totoong buhay, gusto nang mag-dalaga?

“Parang ganun din po, pero gusto ko pa rin pong maging bata.”

Feeling dalagita na siya?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi pa po, hindi ko pa po feel.

“Ganun pa rin naman, mahilig pa rin akong maglaro. Gusto ko pa rin palagi sa playground.”

Next year ba, naisip niyang mag-boyfriend na?

“Next question please!” natatawang sagot naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO COMEDY. Noong nagsisimula pa lang ang nagtapos niyang morning serye, sinabi ni Ryzza na medyo nahirapan siya dahil maraming iyakan.

Ngayon, balik-pagpapatawa siya sa Calle Siete.

Mas okey siya?

“Opo, mas okey po ako na walang iyakan. Kasi ang hirap umiyak. Ayoko nang umiyak,” natawang sabi pa niya.

HAPPY FOR BASTE. Sa Eat Bulaga, halos Tuesday and Saturday na lang daw siya nakakapag-live dahil M-W-F ay meron naman siyang taping at pumapasok pa siya sa school.

Pero nitong bakasyon, dahil wala siyang school, madalas siyang nakikita sa Eat Bulaga.

Natawa lang naman si Ryzza nang intrigahin kung okey lang dito na parang mas marami nang role si Baste sa kanya sa EB.

“Hindi naman po, saka okey lang po,” saad niya.

Close ba sila at hindi nag-aaway?

“Opo, close kami, saka ang cute niya nga, e,” masayang sabi pa niya.

BIRTHDAY. Nag-e-enjoy pa rin daw siya sa lahat ng ginagawa niya sa showbiz.

Ngayon araw na ito, kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day ay kaarawan niya at 11 years old na siya.

May pagkakataon ba na naiisip niya minsan na huminto na lang kaya ng showbiz at mag-enjoy bilang normal na bata?

Tugon niya, “Hindi po, kasi enjoy po ako sa ginagawa ko, masaya po ako.”

Nami-miss din daw niya ang mag-host tulad ng ginagawa niya noon sa kanyang The Ryzza Mae Show.

“Nami-miss ko nga po,” sabi niya.

Biro namin kay Ryzza, bakit hindi siya mag-request kay Mr. Tony Tuviera na bigyan siyang muli ng hosting show?

“Hindi po, kasi gusto po nila yung level-up,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN