Ryza Cenon admits initiating breakup with chef BF

Ryza Cenon opens up about her breakup with her last boyfriend, chef Tristan Encarnacion: "Okey naman yung naging break-up. Nag-usap naman po kami na, 'Siguro, huwag na muna nating ituloy,' yung ganyan. Kinausap ko naman siya nang maayos."


“Starting over again,” ang nakangiting sabi ng Kapuso star at dating StarStruck Ultimate Female winner na si Ryza Cenon sa kung paano niya ilalarawan ang buhay niya ngayon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Ryza sa ginanap na launching ng kauna-unahan niyang art exhibit sa Chef Laudico Guevarra's sa San Juan noong June 9, sabi niya, “Dapat naman kasi palaging ganun, starting over again.

“Para ma-refresh ka nang ma-refresh.

“Kasi, kapag susundan mo palagi, mai-stress ka lang palagi.

“Kumbaga sa computer, ‘di ba, kailangan mong i-restart.”

ART AS THERAPY. Kahit isang taon pa lang siyang nagpi-paint, marami na siyang painting na nagawa at ngayon nga ay naka-display ang mahigit dalawampung paintings niya sa naturang restaurant.

Nagsimula lang din daw siya sa watercolor.

“Watercolor, then oil, pastel.

“Pero ngayon, acrylic na po yung ginagamit ko, kasi mas madali siyang i-blend, mas madali siyang paglaruan,” saad niya.

Aminado si Ryza na bagamat ngayon ay pinagkakakitaan na niya ang naging hobby lang, naging magandang therapy naman daw sa kanya ito sa loob ng nagdaang taon.

SHORT-LIVED RELATIONSHIP. Isang buwan lang daw ang itinagal ng relasyon niya kay Tristan Encarnacion, isang chef at anak ng yumaong hair and make-up stylist na si Jun Encarnacion. Pero iwas na si Ryza na pag-usapan pa ito.

Kahit matagal silang nakikitang magkasama noon, talagang isang buwan lang daw ang relasyon nila at mas matagal daw yung ligawan talaga.

Kilala namin si Ryza na matagal makipagrelasyon kaya puwedeng sabihin na ito ang pinakamabilis niya.

“Well, feeling ko nga po, kaya hindi ko siya kina-count na relationship kasi, it’s one month,” sabi rin niya.

Bakit ang bilis nagtapos?

“Marami pong hindi pagkakaintindihan, normal relationship po,” paliwanag niya.

Noong January lang din ng taong ito sila nag-break.

At dahil nga nasusulat na rin at aminado naman si Ryza na dumaan siya sa period ng depression, naitanong tuloy sa kanya kung bahagi yun ng mga dahilan kung bakit siya na-depress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mabilis itong itinanggi ni Ryza.

Aniya, “No po, okey naman yung naging break-up.

“Nag-usap naman po kami na, 'Siguro, huwag na muna nating ituloy,' yung ganyan. Kinausap ko naman siya nang maayos.”

Lumalabas, si Ryza nga ang nag-initiate ng break-up.

Sa ngayon, wala raw siyang lovelife at parang sa naisiip at nararamdaman daw niya, parang ayaw na raw niyang makipagrelasyon.

“Ayoko na nga, e.

“Quota na 'ko sa sakit,” natawa rin sa sinabi niya dahil parang hugot line ito.

Sabi rin ni Ryza, “Ewan ba, parang feeling ko nga, magiging matandang dalaga na 'ko.”

Bakit niya nasabing quota na siya sa sakit?

“Siguro kasi, parang nagkasunud-sunod lang.”

OVERCOMING HER STRUGGLES ALONE. Sa mga hindi personal na nakakilala sa Kapuso star, hindi maiisip na sa edad niya, marami na rin itong pinagdaanan sa buhay, lalo pa nga at mag-isa lang talaga siyang nagtataguyod sa kanyang sarili.

Kumusta na nga ba siya?

Pag-amin niya, “Okey lang, may mga struggles, pero hindi naman mawawala yun.

“Sabi ko nga, tao lang naman ako na parang normal people na nagkaka-problema sa buhay.”

Tila noong nakaraang taon ay hindi siya masyadong naramdaman?

“Kasi po last year, almost one year rin akong walang work.

“Pero sinasabi naman po nila na meron, merong darating, so hintay lang.”

TV PROJECTS. Malapit daw siya ngayon sa talent manager niya sa GMA Artist Center. Nasasabi niya raw dito lahat ng pinagdadaanan niya mapa-personal o propesyunal man.

Sa ngayon, nag-audition daw siya sa sisimulang serye ng GMA-7, ang Sinungaling Mong Puso na pagbibidahan ni Rhian Ramos at hinihintay lang daw niya ito kung makukuha siya.

Okey pa rin naman daw siya sa kung anong proyekto ang binibigay at natatanggap niya.

Aniya, “Okey naman po ako, kaya natutuwa rin ako na nagkaroon ako ng painting, meron akong pinagkaka-abalahan para at least, hindi ko napapansin na bum ako or something.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pakiramdam talaga siya na “bum” siya?

“Minsan, pero yung bum parang expression lang yun. Like, 'Nasaan ka?' 'Work.' 'Ako, bum,' ganun, ganyan.”

LONG-TERM PLANS. Nakikita raw ni Ryza ngayon na hindi pang-habang buhay ang pag-aartista kaya nag-iisip talaga siya ng mga puwedeng gawin kahit na wala siya sa showbiz.

Ayon kay Ryza, “Ngayon ko naano na hindi talaga siya stable na trabaho.

“Talagang humahanap ako ng ibang pagkakakitaan like business.

“Like ngayon, parang may winu-work out akong business. Tina-try kong mag-partner sa gym.”

Siya pa rin talaga ang solong may kargo sa sarili niya?

“Opo, ako pa rin. Kaya nga po last year, sobrang struggle talaga.

“Iniisip ko yung everyday na gastos, mga binabayaran ko monthly.”

Paano siya naka-survive?

“Sa tulong na rin po ng ex ko before, tinuturuan niya rin ako kung paano mag-budget.

“Kaya hindi ako masyadong nakikita, kasi hindi ako lumalabas. Parang tipid lang.”

Pakiramdam din ni Ryza, parang nagsimula ang mga hindi magagandang nangyari sa kanya pagkatapos niyang kumuha ng bahay at mauwi sa hindi maganda ang negosasyon niya rito.

“Actually, dun nga nag-start lahat,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN