Gerald Anderson on rekindling the romance with Bea Alonzo: "It's not the priority right now."

Gerald Anderson and Bea Alonzo fuel speculation of getting back together now that they're together for the first time in a new movie.


Inamin ni Gerald Anderson na bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang nang una silang sumabak sa eksena ni Bea Alonzo para sa kanilang pagbibidahang pelikula.

Bukod sa ito ang unang tambalan nila sa isang proyekto, hindi kaila sa publiko na naging magkasintahan sina Gerald at Bea noong 2010.

Pahayag ni Gerald, “Siyempre it’s normal [na mailang] kapag bagong partner, di ba?

“Siyempre she’s someone I admire a lot.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isinagawang boot camp ni Gerald kasama ng iba’t iba niyang fan groups.

Bahagi ito ng 10th anniversary celebration ni Gerald na ginanap sa Ocean Adventure sa Subic nitong Linggo, July 12.

POSSIBLE ROMANCE? Mismong si Gerald ang nagbahagi ng larawan nila ni Bea na kuha sa isang eksena nila noong nakaraang linggo.

Anj & Nino #starcinema

A photo posted by @andersongeraldjr on

Ayon pa sa aktor, “suwabe” at “tuluy-tuloy” na ang shooting schedule nila ni Bea.

Pero nang tanungin tungkol sa kanilang personal history, nilinaw ni Gerald na pareho sila ni Bea na nakatuon ang pansin sa paggawa ng magandang proyekto.  

Sabi ni Gerald, “Siyempre hindi na siguro dapat pinag-uusapan yung ganun.

“Napaka-professional niyang tao. She’s really amazing.

“Sarap niyang kasama. I’m just going with the moment.”

Paglalarawan pa niya sa samahan nila ni Bea ngayon, “She’s very professional.

“Ang dami kong natutunan sa kanya.

“Para akong nanonood ng movie every time na kasama ko siya sa eksena.”

Kung saka-sakali ay posible bang mahulog muli ang loob niya kay Bea lalo pa’t pareho silang single ngayon?

Sagot ni Gerald, “I don’t think [about it]. Yun ang problema, e.

"Hindi... It’s not the priority right now. Priority is to make a good movie para sa mga tao.”  

SINGLE FOR NOW. Bukas si Gerald sa pagsasabing single siya ngayon at wala pang napupusuang partikular na tao.

Nabanggit din ito ng Kapamilya actor sa kanyang fans bago magsimula ang boot camp kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit daw wala pa siyang “special someone” ay sapat na muna ang pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at solid fans.

Nakangiting pahayag ulit ni Gerald sa panayam ng PEP tungkol sa kanyang love life, “Wala. Sila, 'eto [mga fans ko].

“Wala pang special na isang tao, but it’s okay.

“I have this. I have many things going on.

“Meron akong aso, okey na muna ‘yan.”             

Naniniwala si Gerald na darating din ang tamang panahon kung saan magiging masaya siya, hindi lang sa kanyang trabaho kundi pati na rin sa kanyang love life.

“I think siguro it’s a given na kapag single ka, mas marami kang oras para gawin yung mga ano… So, baka yun yun.

“I just have more time to do the things I’m passionate about.

“And if I figure out kung paano ko ma-mix and match kapag may relationship na at yung mga gusto ko [gawin], that would be a beautiful day for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN