Willie Revillame laughs off report that he got Wowowin dancer pregnant

Nagulat si Willie Revillame nang malaman nitong siya ang subject ng blind item tungkol sa isang sikat na male television personality na nakabuntis daw sa isang dancer.


Nagulat si Willie Revillame nang malaman nitong siya ang subject ng blind item tungkol sa isang sikat na male television personality na nakabuntis daw sa isang dancer.

Takang-taka si Willie nang marinig ang balita.

Natawa pa siya nang sabihin sa kanyang Samantha Page ang pangalan ng dancer na diumano’y naanakan niya.

Matagal bago naisip ni Willie na may dancer ang Wowowin na Samantha ang pangalan dahil ‘Amanda Page’ ang kanyang unang dinig nang makarating sa kanya ang balita na nakabuntis siya ng dancer.

Pahayag ng TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “A, si Sam? May boyfriend ‘yon! Mark yata ang pangalan.

“Tinulungan ko siya last year nang makita ko siya na umiiyak.

“Tinanong ko siya bakit siya umiiyak at sinabi niya sa akin na buntis siya.”

Para patunayanng walang katotohanan ang kumakalat na balita, ipinatawag ni Willie si Samantha sa kanyang make-up artist na si Bernadette Duenas.

Naging official candidate ng Miss Manila 2014 si Samantha bago naging dancer ng Wowowin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN