Miss Philippines Earth candidate slams bashers for criticizing her La Niña blunder

Miss Zamboanga Bellatrix Tan on her wrong answer about #ElNiñoLaniña: "Sobrang hirap po ng Q&A kahit gaano kasimple 'yan. Di ba po ang dami ring beauty queens na nagkakamali sa question and answer?"


Inalmahan ni Miss Zamboanga Bellatrix Tan ang pambabatikos na natanggap niya dahil sa kanyang performance sa question-and-answer portion ng Miss Philippines Earth 2016 pageant.

Kaugnay ito ng kanyang maling paglalarawan tungkol sa El Niño at La Niña sa ginanap na Miss Philippines Earth pageant na ginanap noong Sabado, June 11.

Buwelta ni Bellatrix sa kanyang bashers, “Siguro try niyo sumali ng national pageant. You’ll know the feeling.

“Usually po talaga, napapansin din po talaga ng supporters ko na yung mga nagba-bash, yun po yung mga hindi ko po alam kung na-experience na ba nila.”

Aminado si Bellatrix na nahirapan siya sa Q&A portion lalo pa’t first time daw niyang sumali ng isang beauty pageant.  

Paliwanag niya, “Sobrang hirap po ng Q&A kahit gaano kasimple 'yan.

“Di ba po, ang dami ring beauty queens na nagkakamali sa question and answer?”

Base ito sa kanya panayam nina MJ Felipe at Barbie Muhlach sa dzMM, Lunes ng umaga, June 13.

Dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Bellatrix na muling sagutin kung ano ang masasabi niya tungkol sa #ElNiñoLaNiña.

Sabi ni Bellatrix, “El Niño and La Niña are both effects of climate change.

“If we don’t do our part, we will really experience drought and heavy rainfall.

“Act now so we can have a better future.”

Sa mismong Miss Earth beauty pageant, ito ang sagot ni Bellatrix tungkol sa ##ElNiñoLaNiña:

“El Niño is what we are facing right now.

“If we do simple things like planting trees, then we will not experience drought, right?

“If we start now, we will achieve La Niña. Thank you.”

WATCH: Epic cringe-worthy Pinoy beauty contestant answers...so far


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN