Vic Sotto and Pauleen Luna move in to their new house in Laguna

Bukas, June 15, opisyal nang sa Laguna maninirahan ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna dahil ito na ang araw kung saan sila talaga lilipat at doon na matutulog.


Bukas, June 15, masasabing opisyal nang sa Laguna maninirahan ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.

Ilang buwan na rin silang nagpaunti-unti ng paglipat, pero bukas na raw talaga sila lilipat kung saan doon na sila matutulog.

Nakiusap si Pauleen na huwag nang banggitin kung saan sa Laguna sila nakatira, pero nasa isang exclusive village ito kung saan makakapaglaro si Vic ng paboritong niyang sport na golf.

Ang bagong bahay na ipinatayo nina Vic at Pauleen ay may 1,200 sq meters ang lapad, may apat na bedrooms, at Modern/Asian ang istilo.

Ayon kay Pauleen, natagalan lang sila sa paglipat dahil marami silang ipinaayos nang nakita nilang halos tapos na ito.

“Mga konting pinabago lang po.

“Kasi yung gusto sana namin, yung masunod talaga yung gusto namin sa bahay.

“Pero mahirap pala,” bulalas ng actress-TV host nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Personal kasing inasikaso ni Pauleen ang paglilipat at pag-aayos ng gamit sa tulong ng mommy niya at ng kapatid niyang si Miguel Luna.

Kaya nag-absent na siya ng Eat Bulaga! magmula ngayong araw para matiyak lang niyang maayos ang paglilipat.

Ang dami rin daw mga gamit na kailangan niyang bantayan ang paglipat nito sa kanilang bagong bahay.

MOVING IN. Sabi nga ni Vic sa presscon ng bagong sitcom nila ni Ai-Ai delas Alas sa GMA-7 na Hay Bahay! kahapon, June 13, matagal na sana silang nakalipat pero marami nga silang mga konting bagay lang na pinaayos.

“Matagal yung mga maliliit na cheche bureche na nakikita mo pag medyo patapos na yung bahay.

“Inabot din ng isang taong mahigit.

“At saka yung paglilipat din ng gamit, medyo matagal din.

“Ang dami ko kasing basura, e. May pagka-hoarder ako, e.

“Pati yung mga costume ko nung 1-4-3 at Daddy DiDoDu, nandun pa, e.”

Kaya idu-donate na raw nila ang mga lumang costume niya para hindi na tumambak sa bagong bahay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin inobliga ni Pauleen ni tumulong si Vic sa paglilipat dahil magpu-promote pa ito ng Hay Bahay!, na magsisimula na sa June 19.

Ang plano raw nila ay bandang first week of July ang kanilang house warming.

PAULINA’S WEDDING. Samantala, ilang beses nang sinasabi ni Vic na wala na siyang mahihiling pa sa sarili kundi para na lang sa kanyang mga anak at mga apo.

Hindi raw niya alam kung ano ang balak ng mga anak niya sa darating na Father’s Day, pero masaya na siyang mag-dinner sila sa labas na magkakasama silang lahat.

Doon na rin ikinuwento ni Vic na pinag-uusapan na ng anak niyang si Paulina Sotto at ng boyfriend nitong si Jed Llanes ang magpakasal pagkatapos ng proposal.

Pahayag ni Vic, “Matagal na silang nagpaalam. Nung bago pa lang silang mag-engage, nagpaalam na sa akin.

“Yung lalaki, si Jed, kinausap na ako na magpu-propose siya kay Paulina.

“Nakita ko naman na almost two years silang magkasintahan, nakita ko naman na tapat naman yung aking magiging manugang.

“I’m happy for them.”

Naniniwala naman daw sila sa sukob kaya hindi sa taong ito sila magpapakasal.

“Ginawa nga nila, first day of the year. January 1, 2017,” banggit ni Vic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN