Aiza Seguerra and Liza Diño react to Orlando tragedy

Following the tragic Orlando shooting this weekend, gay couple Aiza Seguerra and Liza Diño post messages about the LGBT community on their social media accounts.


Isang panawagan ang ipinost ni Aiza Seguerra tungkol diskriminasyon sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transsexual (LGBT) community nitong Lunes, June 13.

Kaugnay ito ng trahedyang nangyari sa Orlando, Florida, kung saan 50 katao ang nasawi at 53 ang nasugatan matapos pagbabarilin ng suspek na si Omar Mateen ang mga parokyano sa isang gay nightclub noong Linggo ng madaling-araw, June 12 (US time).

Tinawag na "act of hate" ang nasabing krimen kung saan ang mga biktima ay miyembro ng LGBT.

Kinondena ito ng maraming tao sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Read: Lea Salonga, Pia Wurtzbach, Iza Calzado offer prayers and sympathy for Orlando shooting victims

“Nakakalungkot isipin na dahil lang sa kung sino kami at mga pinili namin mahalin, akala ng mga ibang tao, wala na kaming puwang sa mundo,” simula ni Aiza sa kanyang Instagram post.

Patuloy ng singer, “Sana huwag ninyong kalimutan na ang LGBT ay mga tao rin, at may mga taong nagmamahal sa amin at nagbibigay ng pagpapahalaga sa aming buhay kagaya ng mga pamilya at kaibigan.

“Hindi porke iba ang tingin ninyo sa amin ay mayroon na kayong lisensiya para murahin kami, pagkaitan ng karapatan at kalayaan, pagtawanan, bastusin, saktan at patayin.

“Tao kami. Kagaya ninyong lahat.”

LIZA DIÑO’S APPEAL. Samantala, maging ang partner ni Aiza na si Liza Diño ay nag-post din sa kanyang Facebook account tungkol sa pangyayari.

Kasalukuyang nasa U.S. si Liza upang dumalo sa SOHO Film Festival sa New York, kung saan kalahok ang kanyang documentary film na Traslacion na tungkol sa LGBT couples.

Pahayag ng aktres, “It is important that we understand people outside of ourselves in order to love and not hate.

“After what happened in Orlando, mas naging meaningful ang trip namin dito sa New York because our documentary film TRASLACION explores the plight that we LGBTQ [Lesbians, Gay, Bisexual, Transsexual, Queer] couples go through in order to SURVIVE living in a country where RELIGION and the blind allegiance to it, bears more weight than mutual respect and LOVE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana hindi lang manatili sa Facebook ang inyong pakikiramay sa nangyari sa mga GAY PEOPLE na walang awang pinagbabaril dahil lang para sa inyo 'iba' sila. STOP HATE CRIME.

“Pare-pareho tayong TAO. Lahat tayo may karapatang mamuhay ng totoo sa sarili natin at magmahal ng MALAYA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN