Why Julia Clarete admires President-elect Rodrigo Duterte's children

Umani ng papuri ang kasimplehan ng mga anak ng bagong halal na pangulo ng Pilipinas na sina Sara at Baste Duterte. Isa na sa mga humanga sa kanila ay ang actress-TV host na si Julia Clarete.


Maraming followers ni Julia Clarete sa Facebook ang natuwa sa kanyang post noong nakaraang Sabado, June 11.

Larawan kasi ito ni Davao City Mayor-elect Sara Duterte at ng kapatid niyang si Sebastian ‘Baste’ Duterte na kumakain sa waiting area sa isang airport sa Cebu.

Ang caption niya dito: “These are the children of my president, and I am proud to be led by him.”

Sa video, makikitang sabay na kumakain ang magkapatid na nakakamay at nagsasalo pa ng kanilang kinakain.

Sa verified page naman ng Facebook fan page ni Marian Rivera, ibinahagi rin ng admin nito ang naturang video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN