Vina Morales unfazed by six libel cases to be filed by Cedric Lee against her

Vina Morales on her fight against ex-boyfriend Cedric Lee: "Hindi ko ugaling magsinungaling. Lahat ng sinasabi ko, katotohanan. Ang ipinaglalaban ko dito ay si Ceana."


Hindi natitinag si Vina Morales sa anim na libel cases na planong isampa laban sa kanya ng dati niyang karelasyon na si Cedric Lee.

Ito ay nag-ugat nang isiwalat ni Vina ang pambu-bully diumano ni Cedric sa kanya at sa kanyang pamilya at ang pagdi-detain daw nito sa kanilang anak na si Ceana sa loob ng siyam na araw nang walang pahintulot mula sa singer-actress

Sinundan ito ng paghahain ng reklamo ni Vina sa korte dahil wala raw ibinigay na legal rights kay Cedric na kunin ang anak nila higit sa isang linggo.

Read: PEP SCOOP. Cedric Lee to file six libel cases against Vina Morales

Pahayag ni Vina tungkol sa libel cases na isasampa laban sa kanya ng ex-boyfriend, “It’s not about me and Cedric, it’s for my child’s welfare.

“Hindi ako lalaban nang wala akong ipinaglalaban.

“Ang korte na mismo ang nagsasabing walang ibinigay na ten days kay Cedric na court-approved, na kini-claim niya up to now na meron siyang ten days.

“He detained my daughter for ten days without communication, preventing me from talking to my daughter.

“Kung hindi hinand-over, pinatawag ng korte para ibalik yung anak ko sa pamilya ko, hindi mangyayari yun, hindi maibabalik ang anak ko.

“Kaya pasalamat ako at dininig nang korte yun.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa advanced screening ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Born For You, na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma Mall noong Sabado, June 11.

VINA'S FIGHT. Nilinaw rin ni Vina na wala siyang intensiyong buksan sa publiko ang gusot nila ni Cedric. Kailangan na raw kasi niyang magsalita para maprotektahan ang kanilang anak.

Saad ng singer-actress, “Magti-thirty years na ako sa showbiz.

“Wala naman kayong kilalang inagrabyado ko, inisahan ko, plinanuhan ko nang masama.

“At kung anuman ang narating ko ngayon, hindi ko kailangan ng ganitong intriga at kuwento para lang pag-usapan, lalung-lalo na pagdating sa anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ugaling magsinungaling. Lahat ng sinasabi ko, katotohanan.

“Ang ipinaglalaban ko dito ay si Ceana.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN