Vina Morales clarifies Instagram message to Robin Padilla: "Wala lang, pa-cute lang ako."

Vina Morales: "Just to be clear, I am a single mom, I work hard for my daughter. I support my daughter one hundred percent, financially and emotionally. Yun lang naman ang ipinaglalaban ko."


Nagpaliwanag si Vina Morales sa pagbanggit niya kay Robin Padilla sa Instagram post niya kamakailan na tila nagpapasaklolo at humihingi ng suporta.

Si Robin ay naging boyfriend ni Vina at nakapareha niya sa pelikulang Ang Utol Kong Hoodlum noong 1991 at nagkaroon pa ng sequel noong 1992.

Sabi ni Vina kanyang Instagram message: “Bin oh, Away ako!! Sabi mo pag away ako, sumbong ko sayo Utol Kong Hoodlum”

Bin oh Away ako ????????!!! Sabi mo pag away ako, sumbong ako sayo Utol Kong Hoodlum ???? @robinhoodpadilla

A photo posted by Vina Morales (@vina_morales) on

Nakangiting saad ng Kapamilya star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi, nagbibiro lang ako.

“Kasi siyempre, utol kong hoodlum yun, di ba?

“Yun naman ay nung gumagawa kami ng Bonifacio [2014] nun.

“Sabi lang niya na pag may nang-aaway sa akin, magsumbong lang ako sa kanya.

“Wala lang, pa-cute lang ako.”

Wala raw inaasahang aksyon si Vina mula kay Robin sa kanyang kinahaharap na problema dahil nasa abroad ang aktor ngayon kasama ang misis nitong si Mariel Rodriguez.

Saad pa ni Vina, “I’m sure he will say his piece.

“Mabait na yun ngayon, hindi na siya bad boy, hindi katulad noon.

“Of course, ayokong mangyari yun.

“Just to be clear, I am a single mom, I work hard for my daughter.

“I support my daughter one hundred percent, financially and emotionally.

“Yun lang naman ang ipinaglalaban ko.”

VINA’S BOYFRIEND. Malabo rin daw umuwi ng Pilipinas ang kanyang French boyfriend na si Marc Lambert, na naiwan sa Switzerland.

Sabi ni Vina, “He’s very busy. I don’t need his support na nandito siya.

“Prayers lang and suporta and all the calls. He’s always there naman to support me.”

Ang nakakapagbalanse lang daw ng pinagdadaanan ni Vina ngayon ay ang magandang proyektong ibinigay sa kanya ng Dreamscape, ang Born For You.

Pahayag ni Vina, “Oo nga, e, kaya sinasabi ko sa iyo na lahat ng ginagawa ko, para sa anak ko.

“That’s why I work hard, I am working hard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katulad nito, nandito pa rin ako kahit may mga konting kaguluhan.

“But I have to be strong, and I am strong and I am happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN