Ritz Azul on possibility of playing Darna: "Siguro kung dumating man... grabe, hindi ko maisip!"

Ritz Azul on being a Kapamilya: "Napi-pressure rin ako siyempre kasi bagong Kapamilya. Marami rin akong nababasang tweets na, 'Sino ba 'yang Ritz Azul na 'yan, bakit binigyan ng chance?' So, ngayon, gusto ko mapatunayan na puwede naman akong mabigyan ng chance talaga. Gusto ko sanang… sa tulong din ng Dreamscape, makita naman sana ng mga tao na karapat-dapat ako."


Aware daw si Ritz Azul na lumulutang ang kanyang pangalan bilang isa sa pinagpipiliang gumanap na bida sa movie remake ng Darna na ipuprodyus ng Star Cinema.

Dapat ay si Angel Locsin ang gagawa nito, ngunit dahil sa kanyang slip disc ay umatras ang aktres sa proyektong ididirek ni Erik Matti.

Pahayag ni Ritz, “Nabasa ko po yun. May nabasa akong article na nasa list daw ako as pinipili as Darna.

“Pero para sa akin, kinikilabutan ako every time na naiisip ko na, ‘Wow!”

“Kahit na nasa list lang ako na magda-Darna, parang malaking bagay na sa akin yun.

“Kasi ang dami siyempre na mas maging Darna at si Ms. Angel Locsin talaga ang bagay doon.”

Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko ang fans ni Angel na ikampanya ang kanilang idolo na pagbidahan ang Darna, tinanong namin si Ritz kung nakakatanggap ba siya ng pamba-bash mula sa avid fans ni Angel.

Tugon niya, “Wala naman akong natatanggap na bashings.

“Nabasa rin siguro ng mga tao na idol ko si Ms. Angel Locsin kaya yung mga fans niya, natutuwa rin sa akin.

“Pero maging Darna? Parang marami pa akong dapat patunayan at kaining kanin para maging Darna.

“Siguro kung dumating man… grabe, hindi ko maisip!

“Kasi parang pangarap ko lang talaga yun, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa special screening ng upcoming ABS-CBN drama series na Born For You sa TriNoMa Mall noong Sabado, June 11.

FROM TV5 TO ABS-CBN. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Ritz na pinagkatiwalaan siya ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na bigyan ng malaking proyekto.

Ito ay ang The Promise of Forever, kung saan makakasama niya sina Paulo Avelino at Ejay Falcon at kinunan sa iba’t ibang bahagi sa Europa.

Ito ang unang pagkakataonng nakapag-shoot si Ritz sa ibang bansa para sa isang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng dating Kapatid star, “Well, with TV5 kasi, hindi rin sila masyadong nagsu-shoot out of the country.

“Nag-shoot kami for Tropa Mo Ako, sitcom naman yun, sa Dubai.

“Pero sa series, hindi sila nagsu-shoot, puro local lang.

“Ako ngayon, sobrang feeling blessed ako. Feeling ko, ang suwerte-suwerte ko.

“First project [ko sa ABS-CBN], nasa Europe agad. Ang laki na agad ng role na ibinigay sa akin.”

Patuloy ni Ritz, “Pero sa kabila nun, napi-pressure rin ako siyempre kasi bagong Kapamilya.

“Marami rin akong nababasang tweets na, ‘Sino ba ‘yang Ritz Azul na ‘yan, bakit binigyan ng chance?’

“So, ngayon, gusto ko mapatunayan na puwede naman akong mabigyan ng chance talaga.

“Gusto ko sanang… sa tulong din ng Dreamscape, makita naman sana ng mga tao na karapat-dapat ako.”

NEW IMAGE. Inamin ni Ritz na malaki ang kaibahan ng image niya ngayon sa ABS-CBN kumpara nong nasa TV5 pa siya.

“Kasi sa TV5, pinu-promote nila ako or ini-image nila ako as sexy, sexy palagi ang suot ko.

“Whereas sa ABS, ipinakita nila kung sino talaga ako—simple, mas probinsiyana.

“So, I think, hindi naman nagbago kung sino ako, nabago lang sa imaging.

“Kasi sa TV5, pinipilit akong maging sexy.”

Binabago ba ng ABS-CBN ang image niya patungo sa mas wholesome na packaging?

Sagot ni Ritz, “Hindi ko masabing ni-repackage ako kasi ako pa rin naman ito, e.

“Ang nagbago lang siguro sa imaging ng roles, sa characters.

“Kasi ngayon, mas focus sa acting nga.”

Ayaw niya ba ng sexy image?

“Okey din naman ako, kaya din naman.

“Pero alam niyo naman na dapat may reason pa rin kung bakit ginagawa yun.

“Hindi lang for the sake na hindi lang para ipakita yung katawan ko.”

Ilan daw sa mga gustong makasama ni Ritz sa future projects niya sa ABS-CBN ay sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at ang dati niyang kasamahan sa TV5 na si Arci Munoz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang nagsama sina Ritz at Arci sa Nagbabagang Bulaklak, kung saan gumanap silang magkapatid.

Sabi ni Ritz, “Oo, kasi ang tagal naming di nagsama, mga six years din. Nami-miss ko na din siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN