Vina Morales leaves battle with Cedric Lee in court

Vina Morales leaves her battle with Cedric Lee in court as it is said to be the best for her daughter who is still a minor. She says, "It is best interest for my daughter who is a minor that the case will be discussed in the court, kasi lalo na bata pa siya, paglaki niya magkakaganito."


Prayoridad ni Vina Morales ngayon ang laban niya sa ex-boyfriend na si Cedric Lee at sa reklamong inihain niya laban dito dahil sa diumano’y pagdi-detain ng negosyante sa kanilang anak na si Ceana sa loob ng siyam na araw.

Ito ay kahit daw nagpaplano si Cedric na magsampa ng anim na kaso ng libel laban sa singer-actress dahil sa mga akusasyon nito.

Kinumusta agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba reporters si Vina pagkatapos ng presscon proper ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Born For You, kahapon, June 14.

Nakangiti niyang sagot, “I’m very good, kilala niyo naman ako.

“I’m a fighter, I’m a survivor.

“So, ano lang, laban kung laban kung mayroon ka namang ipaglalaban. Lumaban ako sa tama.”

Pagkatapos nito ay tinanong na si Vina kung ano ang reaksiyon niya sa libel case na planong isampa sa kanya ni Cedric.

Ayon sa 40-year-old singer-actress, “Honestly, this is not about me and Cedric.

“This is about my child’s welfare. Huwag nating ilihis.”

Ganito rin ang kanyang isinagot nang nauna siyang hingan ng PEP ng reaksiyon tungkol sa nasabing isyu.

Read: Vina Morales unfazed by six libel cases to be filed by Cedric Lee against her

Pagpapatuloy ni Vina, “Ang main issue dito is about my daughter’s case, huwag nating kalimutan 'yan.

“Ang laging naka-focus ako, yung kaso ng anak ko.

“And that’s my top priority. That’s really my main concern right now.”

Nagbigay rin ng pahayag si Vina tungkol sa visitation agreement nila ni Cedric.

Saad niya, “First of all, galing na po sa korte. Hindi ko po gawa-gawa ito that he was never issued a copy granting the ten-day visitation agreement.

“Wala pong ibinigay sa kanila doon as they claim, that’s why he was cited in contempt by the court violating the visitation agreement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, wala po akong ginagawang istorya dito.

“Ito po ay galing sa korte, hindi naman po magsisinungaling [iyon].”

CHANGES IN BEHAVIOR. Ayon kay Vina, maayos naman ang kalagayan ng kanyang anak ngayon.

Subalit nang matanong ng isang reporter kung naapektuhan ba si Ceana sa mga pangyayari, sinabi niyang ito ang dahilan kung bakit siya naghain ng reklamo laban sa ama ng kanyang anak.

“Hindi po ako magpa-file ng motion kung wala pong medyo nakikita akong may change of behaviors.

“Lahat naman tayo, kapag ikaw, nine days hindi mo makausap ang nanay mo, na sanay na sanay kang nandiyan lagi ang nanay mo, ite-turnover ka sa korte after nine days sa pamilya mo...

“Parang kung tayo nga, konting problema lang nai-stress na tayo, di ba?

“So, I’m sure, she was stressed.

“So I don’t want to add it more so I’m leaving it up to the court.”

Sa ngayon ay ipinauubaya raw muna ni Vina sa korte ang pag-uusap tungkol sa kaso dahil sa pagiging minor ng kanyang anak.

Pagbabahagi ng singer-actress, “Right now, it is best interest for my daughter, who is a minor, that the case will be discussed in the court.

“Kasi, lalo na bata pa siya, paglaki niya, magkakaganito.

“So ako, ipinapaubaya ko 'yan sa korte ngayon.

“Right now, wala pang ruling na ibinigay sa both motions.

“I’m just waiting for the court order.

“At yung lawyer ko, si Atty. Santiago, she always keeps me in touch about what’s happening, kasi alam niyang very crucial itong moment na ito.

“So, ngayon, maski ano itanong niyo sa akin, wala akong maisasagot dahil ako’y naghihintay lang ng kasagutan sa korte.

“So I’m leaving it up to the court.”

Subalit patuloy naman daw ang maayos na komunikasyon niya sa anak, at hanggang sa huli ay handa niyang ipaglaban ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will just keep it that way that I am there for my daughter and what I am doing now is for her,” nakangiting pagtatapos ni Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN