Janella Salvador ignores bashing from Elmo Magalona-Janine Gutierrez fans

Janella Salvador on new loveteam partner Elmo Magalona: "He's easy to get along with. Well, noong una akala ko quiet siya and hindi ko siya ma-approach. Pero nung nakausap ko na siya, sobrang saya niyang kasama. So, that's what I admire about him."


Masaya si Janella Salvador sa magagandang feedback gayundin sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa love team nila ni Elmo Magalona, na ilu-launch sa bagong ABS-CBN teleseryeng Born For You.

Kahit na nga raw bukas sa kaalaman ng publiko na may girlfriend sa totoong buhay si Elmo, sa katauhan ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez, ay marami pa rin ang nae-excite sa ElNella (Elmo-Janella) loveteam.

Pahayag ni Janella, “It’s so overwhelming for me.

“Natutuwa rin ako na ang dami ng sumusuporta [sa tandem namin].

“May nakikita na rin kaming nagsu-support sa show kahit hindi pa nag-e-air.

“So, I’m so happy with everything.”

Naging open din daw si Elmo sa kanya sa simula pa lang tungkol sa girlfriend nito.

“Yeah, he’s been honest with me from the start. So, walang problema sa amin ni Elmo,” sabi ng Kapamilya young actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella sa grand presscon ng Born For You na ginanap kagabi, June 14, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Hindi ba nag-aalala si Janella na maapektuhan ang love team nila ni Elmo sa mga posibleng intrigang dumating in the future na may kaugnayan sa pagkakaroon ng girlfriend ng kanyang leading man?

Sagot niya, “Ako, hindi naman. I don’t think it will get in the way naman.

“Kasi we’re just enjoying what we’re doing talaga, yung work namin.

“And so far, effective naman I think yung team up namin. So, just enjoy.”

BASHERS. Kung si Elmo ay umaming naba-bash ng ilang MarNella fans ng dating love team ni Janella kay Marlo Mortel, inamin din ng young actress na maski siya ay nakakatanggap din ng bashing mula naman sa ilang fans ng Elmo-Janine love team.

“Naba-bash din naman ako. Pero dedma na lang.

“Hindi naman talaga maiiwasan iyon, e. In-expect ko na iyon from the start pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just gonna focus on the people who are supporting the show, and I’m thankful that they are supporting the show.”

Kinakausap niya rin ba ang fans niya, lalo na yung mga namba-bash kay Elmo?

Ayon kay Janella, “I always tell the Janellasters and whoever na sana don’t bash na lang.

“Just focus on the support, instead of the hate.”

EFFECTIVE LOVE TEAM. Naniniwala ba si Janella na magiging effective ang love team nila kahit na hindi sila ang magkarelasyon in real life ni Elmo?

Tugon niya, “Well, the fact na it’s amazing na maraming nagsu-support kahit na hindi pa nag-e-air yung show, sobrang natutuwa na kami.

“Hopefully, that’s a sign na magiging effective naman yung love team namin kahit ganun.”

Ayon pa kay Janella, hindi naman lahat ng successful love teams ay magkarelasyon in real life.

Kaya iyon na lang daw ang gagawin nilang example or peg para sa kanilang tandem ni Elmo.

ADMIRING ELMO. Ano ang mga bagay na ina-admire ni Janella kay Elmo?

Saad ng actress-singer, “Siguro the fact din nga na I really admire people who can sing like me and share my music nga.

“And he’s easy to get along with.

“Well, noong una akala ko quiet siya and hindi ko siya ma-approach.

“Pero nung nakausap ko na siya, sobrang saya niyang kasama.

“So, that’s what I admire about him.”

Nagkasundo nga pagdating sa musika sina Elmo at Janella dahil bukod sa pagiging mga artista ay pareho rin silang kumakanta.

Idagdag pa na pareho silang galing sa pamilya ng mga musician at artists.

Si Elmo ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, habang ang parents naman ni Janella na sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador ay pareho ring singers.

Nakatulong din daw ang naging bonding nila sa Japan, kung saan nag-taping sila ng Born For You sa loob ng dalawang linggo, para maging close sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nagkausap na kami nang matagal, lalo na po sa Japan nagka-bonding kami nang matagal, marami kaming mga bagay na napagkasunduan, like food, animals, and pareho kaming mabilis makatulog.

“I don’t expect na magiging close kami nang ganito agad. After Japan sobrang naging close kami,” saad ni Janella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN