Janice de Belen slowly moving on from her mother's death

Janice de Belen on losing her mom: "Totoo yung sinasabi nila. Kapag nakikita mong nahihirapan siya… parang okey na rin. Kesa makita mong maraming nakasaksak sa kanya, kasi mas masakit tingnan."

 


Noong nakaraang buwan ay pumanaw ang ina ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen na si Mrs. Susan de Belen.

Kilalang personality sa showbiz ang mommy nina Janice at Gelli dahil noong dalaga pa sila ay ito ang madalas nilang kasama sa mga taping at shooting.

Read: Janice and Gelli de Belen's mom Susan passes away

Kumusta ang daddy nila?

Ayon kay Janice, “My dad is doing better than expected kasi, siyempre, dalawa lang sila ni Mommy ko na magkasama.

“But now he seems okay, he’s enjoying his life; nagpapasyal-pasyal, nag-e-enjoy with his friends.

“Kami, okey naman… there are things that when life happened to you, wala kang laban, di ba?

“I mean, of course, masakit. My mom was only sixty-seven.

“Siyempre malungkot. But at some point, it’s not your decision, it’s not your call anymore.

“We’re just thankful that even if she was in the hospital for the whole month...

“Totoo yun, e, alam mong totoo yung sinasabi nila.

“Kapag nakikita mong nahihirapan siya, if it doesn’t work out well, parang okey na rin.

“Kesa makita mong maraming nakasaksak sa kanya, kasi mas masakit tingnan.”

Bata pa nga si Mommy Susan.

“Kasi twenty years old lang siya noong pinanganak ako,” banggit ni Janice.

Konsolasiyon rin daw na nakita ng mommy nila na okey na silang lahat.

“Well, sana nakita pa rin niya ang ibang great grandchildren, pero yun, e...”

Ayon kay Janice, ang nakita lang daw nitong apo sa tuhod ay ang dalawang anak ng panganay niyang si Luigi Muhlach.

KAPAMILYA SIS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa taping ng daytime series na Be My Lady, sa Arayat, Pampanga, noong June 10.

Dito ay kinumpirma rin ni Janice na si Gelli ay isa na ring Kapamilya.

At dahil nasa iisang network na silang muli ni Gelli, may posibilidad bang magsama silang muli sa isang project?

“Ay, ayokong maka-work si Gelli!” natawang biro ni Janice.

Pero binawi rin niya at sinabing, “Oo naman! Ilang taon kong katrabaho yun… pero hindi ko alam.”

Tumatak ang programa na SiS nina Janice at Gelli dati sa kabilang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong magkakasama na sila sa ABS-CBN, gayundin si Carmina Villarroel, posible kayang makagawa pa sila ng ganitong format ng show?

“Bagay pa ba? Siyempre masaya, pero may gagawa pa ba nun para sa amin?” natawang sabi ni Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN