Boss Vic del Rosario on rumored pregnancy of Sarah Geronimo: "Paano mabubuntis, e, virgin pa yun?"

Ayon kay Boss Vic del Rosario, kailangan ni Sarah Geronimo ng bakasyon para hindi ito ma-burnout dahil sa loob ng sampung taon ay naging masipag at tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ng prized contract star ng Viva.


“Paano mabubuntis, e, virgin pa yun?”

Ito ang seryosong sagot ng big boss ng Viva Entertainment Inc. na si Vic del Rosario nang tanungin tungkol sa usap-usapang buntis diumano ang contract star nilang si Sarah Geronimo.

Si Sarah ay may boyfriend ngayon sa katauhan ng actor-singer na si Matteo Guidicelli.

Ang kinumpirma ni Boss Vic ay dalawang buwan na magbabakasyon si Sarah.

Nagsisimula na raw mamuhay nang independent ang 27-year-old singer-actress tulad ng isang ordinaryong dalaga na nasa legal age na para magdesisyon sa sarili.

Ayon kay Boss, kailangan ni Sarah ng bakasyon para hindi ito ma-burnout dahil sa loob ng sampung taon ay naging masipag at tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ng prized contract star ng Viva.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boss Vic sa grand launch ng Miss Manila 2016, na ginanap sa Manila Diamond Hotel, ngayong Miyerkules, June 15.

Ang Viva Live, Inc. at ang City of Manila ang producers at ang MARE Foundation Inc. ang beneficiary ng Miss Manila 2016, na ang coronation night ay gaganapin sa PICC Plenary Hall sa June 24, Araw ng Maynila.

Mga host ng pageant night sina Edu Manzano at KC Concepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN