Dennis Trillo ranks Jennylyn Mercado as No. 1 on Sexiest Women list

Dennis Trillo posts Jennylyn Mercado's sexy magazine cover and wrote this caption: "Basta sa 'kin ito ang number 1!!!"


Para kay Dennis Trillo, si Jennylyn Mercado ang 'Sexiest Woman.'

Ito ay kung pagbabasehan ang Instagram post ng aktor ngayong Miyerkules, June 15.

Ipinakita ni Dennis ang suporta sa rumored girlfriend nang i-post nito sa kanyang Instagram account ang cover photo ng Kapuso actress sa January 2016 issue ng men’s magazine na FHM.

Caption ni Dennis dito: “Basta para sa 'kin, ito ang number 1!!!”

Basta para sakin ito ang number 1??????

A photo posted by @dennistrillo on

Sa partial tally of online votes, as of June 11, na isinasagawa ng FHM para sa taunang “Sexiest Woman in the World” campaign ng magazine, nasa pangatlong puwesto si Jennylyn.

Nangunguna si Jessy Mendiola matapos niyang maungusan si Nadine Lustre na bumaba sa ikalawang puwesto.

Si Jennylyn ang itinanghal na “Sexiest Woman” ng FHM noong 2015.

Ikinatuwa naman ng fans nina Dennis at Jennylyn ang ginawang post ng Kapuso actor.

Marami sa kanila ang kinilig sa nasabing post ni Dennis.

Bagama’t malakas ang ugong na balitang nagkabalikan na sina Dennis at Jen, wala pa ring kumpirmasyon ang dalawa pero wala rin tahasang pagtanggi na hindi sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN