Elmo Magalona takes on the challenge of building up his love team with Janella Salvador

Elmo Magalona says moving to ABS-CBN and being paired with Janella Salvador as the latest Kapamilya loveteam are destined to happen: "It was chance for me to take… Ayaw ko naman po siyang bitawan."


Pormal nang ipinakilala si Elmo Magalona bilang Kapamilya artist sa presscon ng una niyang teleserye sa network na pagtatambalan nila ni Janella Salvador, ang Born For You.

Ginanap ang presscon noong Martes, June 14, sa ABS-CBN compound.

Nakilala si Elmo sa GMA Network at ang paglipat niya mula sa kanyang dating mother network ang unang itinanong sa young actor.

Saad niya, “I think part din siya ng destiny.

“It was chance for me to take, and ibinigay po sa akin yung chance na yun.

“Ayaw ko naman po siyang bitawan, so kinuha ko po yung chance na yun… first time sa ABS CBN.”

DESTINY. Destiny rin ang tema ng love story nina Kevin at Samantha, ang roles na gingampanan nila ni Janella sa Born For You.

Kung destiny ang pagbabasehan, posibleng mauwi sa totohanan ang tandem nina Elmo at Janella.

Nakangiting sabi ni Elmo tungkol dito, “Love is something that you just feel.

“If you’re really destined to love each other, it’s bound to happen. Love is love.”

Tungkol naman sa bagong ka-love team niya, “It’s a breath of fresh air working with Janella.”

Naging madali raw sa kanila ang magkapalagayan ng loob.

“We underwent workshop naman para maging okey kami sa isa’t isa.

“Janella naman, as a person, isn’t hard to approach.

“Mas nakilala ko pa siya nong nagsu-shoot kami sa Japan.”

Ano ang bentahe ng ElNella loveteam nina Elmo at Janella kumpara sa ibang Kapamilya loveteams na KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, at LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil?

Tugon ni Elmo, “Siyempre po, we don’t really want to compare.

“We all have different… iba naman po yung ano namin.

“Iba-iba yung mai-offer namin and qualities, I guess baby steps lang po muna yung sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Me and Janella, I think what we can offer… music, big factor nga sa love team namin.”

Willing naman daw silang i-embrace ang competition bilang pang-apat na team-up.

“Yes! Of course, why not?”

AWKWARD. Nagkaroon ng preview ang pilot episodes ng Born For You noong Sabado, June 11, sa Cinema 7 ng Trinoma Mall.

Mapapanood sa teleserye ang malalagkit na tingin ni Elmo kay Janella.

Naging madali ba sa kanila ang ganitong romantic scenes gayong first time silang nakatrabaho?

Napangiti muna si Elmo na tila alangan sa kanyang isasagot.

“Sige, huwag na lang… no, no… minsan nahihirapan, especially sa tingin scenes.

“Like, you tend to stare at her talaga, e.

“Parang mahirap na matapos yung scene na maayos,” sabi ng young actor.

Nakaka-distract ba ang mga balik-titig rin sa kanya ni Janella?

Agad sumagot si Elmo pero kay Janella siya nakatingin.

“Nadi-distract ako, kasi tumatawa ka, e.”

Mabilis namang nagpaliwanag si Janella.

Sabi ng young actress, “Kasi may mga scenes na natatawa kami.

“Sometimes nahihirapan kaming mag-eye to eye kasi nagtatawanan kami.”

CHALLENGE. Isa sa pinaka-highlight sa umpisa ng teleserye ay ang pagkikita nina Janella at Elmo sa Shibuya, popular food and shopping destination sa Tokyo, Japan.

Sa preview ay nagtilian ang maraming nanonood dahil dito na magsisimula ang kuwento ng pag-iibigan nina Kevin at Samantha.

Pahayag pa ni Elmo, “Parang it was so surreal that I was doing a scene sa Shibuya Crossing.

“Wala na akong inhibitions when I was doing the scene.

“Tapos pagkabangga ko talaga kay Janella, I felt like na hindi siya acting.

“Like something na natural that happened, kaya rin po nong napanood namin kinilig rin ako.”

Magsisimulang umere ang Born For You sa June 20, kapalit ng magwawakas na The Story of Us nina Kim Chiu at Xian Lim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN