Bing Loyzaga admits being rejected in a show because of her weight

"I'll improve myself. I'll not allow myself to be bullied because I'm big. I'll come back," says Bing Loyzaga when asked on being rejected for a drama series because of her weight.


Inamin ni Bing Loyzaga na isa sa mga dahilan kung bakit siya pansamantalang nagpahinga sa pag-arte ay dahil sa kanyang pagiging overweight.

“I got rejected from shows. I got rejection, period,” pagtatapat ni Bing sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters na dumalo sa pagpapakilala sa kanya bilang bagong endorser ng Marie France ngayong Miyerkules, June 15.

Ayon sa aktres, naging isyu ang kanyang katawan kung kaya't hindi siya nakasama sa isang teleserye.

“I had to have a certain look.

“Alam mo naman ang showbiz, sa industriyang ito, it's all visuals.

“Di ba, yun naman ang unang tinitingnan nila?”

Hindi naman daw sumama ang loob ni Bing nang sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi siya magiging bahagi ng isang show, na ayaw niyang tukuyin sa interview.

Sa katunayan, kahit siya mismo ay napansin ito noong ipinakilala siya bilang bahagi ng cast ng natapos nang afternoon series ng ABS-CBN na And I Love You So.

“When I saw the pictures, parang naano ako sa sarili ko, parang, 'Wow, ang laki ko dito.'

“I even told my manager [Biboy Arboleda], 'Mother, ang laki ko.'

“That wasn't the show that took me out. Pero nagsabi ako sa manager ko na, 'Mother, hindi ako masaya.'”

Sa pamamagitan ng kanyang manager, nakiusap si Bing na huwag muna siya maging parte ng naturang teleserye.

Nilinaw ni Bing na isa sa mga dahilan ng pagdagdag niya ng timbang ay ang pagkakaroon ng hypothyroidism.

Ayon sa thyroid.com, “Hypothyroidism means that the thyroid gland can’t make enough thyroid hormone to keep the body running normally. People are hypothyroid if they have too little thyroid hormone in the blood.”

Isa sa mga maaaring maging epekto ng hypothyroidism ay weight gain dahil magiging sanhi ito ng pagbagal ng metabolism ng isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOTIVATION. Sa halip na malungkot, mas ginanahan daw si Bing na magbawas ng timbang dahil sa rejection na kanyang natanggap.

“If I did go through that... whoever did that to me, it's not important.

“The point is, when I looked at myself in the mirror, I was like, 'Oo nga naman, hindi naman sila nagsisinungaling. Mataba ako.'

“Pero my point is, every person that rejects me, I have to explain that I am sick?

“Teka naman, kailangan mag-explain talaga ako?”

Patuloy ng misis ni Janno Gibbs, “So, I took it as a constructive criticism.

“I'll improve myself. I'll not allow myself to be bullied because I'm big. I'll come back.”

Diin pa ni Bing, “I'll do it for me. I'll not do it to prove to them na, 'Look at me.' Hindi.

“I'll do it for myself because it's unhealthy and, yun na nga, may complications na nga ako, ganun pa.”

Simula noong December 2015, sumailalim si Bing sa weight loss program na inihanda ng Marie France para sa kanya.

Bukod sa tinutukan ng nutritionist ang kanyang mga kinakain, sumailalim din siya sa ilang non-invasive treatment tulad ng thermal magnetic pulse.

Bago ito, si Bing ay may timbang na 185 pounds.

Makalipas ang limang buwan, nasa 147 pounds na lamang ngayon ang timbang niya, at balak pa niyang pababain ito sa 140 pounds.

Tinanong ng PEP kung handa na ngayon si Bing bumalik sa pag-arte.

Napahinto saglit ang aktres at saka sinabing, “Sa handa, I guess I will have to wait for offers talaga to see.

“Sa handa, I am preparing, that's why I went to Marie France.

“That's why I want to lose weight, because I wanna be at my best.

“Sa paghahanda, I don't think na darating yung point na talagang handang-handa ka na.

“When you do the job already, you do well. Doon mo masasabing handa ka talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Until wala pa akong projects, I will keep on preparing for it.”

Sabi pa ni Bing, “Physically, I'm happy. But I wanna reach a little bit lower.

“If I can push, why not?

“As I've said, sa kulay ko pa lang, wash out na talaga ako. I wanna push a little bit more.”

"Result ako nito. Favorite ko 'to," says @bingloyzaga about the TMP treatment. #BingRediscoveredSexy

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN