Bernard Palanca on breakup with Jerika Ejercito: "She replaced me."

After months of speculations, Jerika Ejercito and Bernard Palanca confirmed that they have called it quits. Bernard revealed that Jerika "replaced" him for someone new. But Jerika denied that there was third party involved in their breakup.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay kinumpirma nina Bernard Palanca at Jerika Ejercito na tinuldukan na nila ang kanilang relasyon na tumagal ng apat na taon.

Kaugnay ito ng pag-alma ni Jerika laban sa pahayag ni Bernard na siya ang nakipaghiwalay sa aktor dahil sa bagong karelasyon niya ngayon.

Hindi man direktang nagpalitan ng mensahe ang ex-couple, tila pinaabot nila kung anuman ang kanilang saloobin sa isa't isa.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsagot sa katanungan ng kani-kanilang followers sa social media.

THIRD PARTY? Isang netizen ang nag-iwan ng lyrics ng kantang "Let Her Go" sa Instagram ni Bernard upang ipahiwatig kung paano pinakawalan ng aktor ang babaeng mahal nito.

Sagot ni Bernard sa netizen: "For the record, I didn't let her go. She replaced me..."

JERIKA SAYS NO THIRD PARTY. Pagkatapos ay nag-comment ang parehong netizen sa isang Instagram post ni Jerika kung saan makikitang may kasama itong isang non-showbiz guy.

Dito ay pinabulaanan ni Jerika ang espekulasyong nakipaghiwalay siya kay BJ para sa ibang lalaki.

Buwelta ni Jerika, "To set the record straight...

"Once and for all, no one replaced anyone just like that.

"I have kept our breakup very private out of respect for the father of my child.

"There are MANY, MANY PAINFUL reasons why I decided I have had enough and it is my right to keep it between the two of us.

"We had a good run for 4 years.

"But in the end I had to choose the lesser evil.

"So please stop with the speculations."

Noong Enero, matatandaang pinabulaanan ni Bernard ang bali-balitang hiwalay na sila ni Jerika.

Ngunit ayon sa post ni Jerika, halos isang taon na mula nang tuldukan nila ang kanilang relasyon.

"Walang kawawa dito kung hindi kaming dalawa. We tried but it just wasn't meant to be.

"God knows I gave it my all and more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It has almost a year since we parted ways but I'm not the type to air our dirty laundry

"So please just respect my space and decision to move on."

Bago ito ay mayroon pang larawan si Jerika kasama si Bernard sa birthday party ng kanilang two-year-old son na si Isaiah noong Mayo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN