Darren Espanto dismisses gay rumor: "Hindi po ako bakla."

Binasag na ni Darren Espanto ang kanyang katahimikan sa usaping kumukuwestiyon sa pagkalalaki niya. Kilala raw ng singer ang kanyang sarili at natitiyak niyang lalaki siya.


Mariing itinanggi ng young singer na si Darren Espanto ang gay rumor tungkol sa kanya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matigil-tigil ang mga haka-haka na miyembro ng third sex ang 15-year-old Kapamilya singer.

Sa ulat ng ABS-CBN News Online kahapon, June 15, tinuldukan na ni Darren ang espekulasyong ito.

Sabi niya, “Marami pong nagsasabi na, ‘Uy, bakla si Darren,’ that I am gay.

“Nakakatawa sila kasi I know who I am and alam ko pong hindi po ako bakla.

"It’s funny kasi they take the time to bash.”

Kahit sa social media, alam daw ni Darren na marami pa rin ang namba-bash sa kanya tungkol sa gender niya.

Aniya, “Siyempre po sa social media, hindi naman po maiiwasan ang pag-bash ng tao.

“You also have to think before you post din siyempre.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN