Vice President Jejomar Binay congratulates successor Leni Robredo

Outgoing Vice President Jojo Binay congratulates Vice President-elect Leni Robredo: "Please accept my sincerest congratulations on your proclamation as Vice President of the Republic."


Isang tweet pic ang ibinahagi ni Aika Robredo, anak ni incoming Vice President Leni Robredo, sa kanyang Twitter account kahapon, June 15.

Nakasaad sa sulat ang pagbati ni outgoing Vice President Jejomar Binay kay Vice President-elect Robredo.

Ipinadala ni Binay ang sulat noong May 31, isang araw matapos maproklama ng Kongreso si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang pangulo at si Robredo bilang pangalawang pangulo.

Panimula ni Binay sa kanyang liham, ”Please accept my sincerest congratulations on your proclamation as Vice President of the Republic.

“I have instructed my Chief of Staff, Undersecretary Benjamin Martinez Jr., to coordinate with your designated point person at the earliest possible time to discuss the transition. He will be at your disposal.”

Umaasa rin si Binay na makilala niya nang personal si Vice President-elect Robredo.

Aniya, “I look forward to personally meeting you.

“For the past six years, and despite its modest budget, the OVP has extended assistance to thousands of poor and marginalized Filipinos, including our brothers and sisters working abroad.

"I am confident that with you as the next Vice President, the OVP will continue to be an instrument for social justice.”

Sa caption ni Aika sa kanyang tweet, sinabi niyang malaki ang pasasalamat nila sa pagiging matulungin ng mga tauhan ni Binay.

Sa June 30 ay manunumpa na sa kani-kanilang mga tungkulin sina President-elect Duterte at Vice President-elect Robredo, ngunit sa magkaibang lugar.

Si Duterte ay manunumpa sa Malacaang at si Robredo naman ay sa Quezon City Guest House o mas kilala sa tawag na Boracay Mansion na magsisilbi na rin niyang opisina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN