Jodi Sta. Maria neither confirms nor denies seeing anyone at the moment

Jodi Sta. Maria, who is celebrating her 34th birthday today, June 16, has not confirmed nor denied anything if she is dating anyone at the moment.


Tinawanan lang ni Jodi Sta. Maria ang tanong kung siya ba ay mayroong idine-date ngayon.

Nangyari ito sa press conference ng bago niyang pelikulang The Achy Breaky Hearts, kasama si Ian Veneracion, na ginanap kanina, June 16, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Matapos niyang tumawa, at saka niya hinabol ang sagot na: “I will answer that in time.”

Matatandaang napabalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong isang linggo na namataang magkasama sina Jodi at Jolo Revilla sa isang opening ng cat caf sa Las Pias City.

Bagamat napabalitaang naghiwalay na, nakatanggap ang PEP ng feed na nagkabalikan na ang dalawa.

Read: Jodi Sta. Maria, Jolo Revilla still in a relationship

Bago pa man siya matanong tungkol sa estado ng kanyang puso, nagbigay rin si Jodi ng realization sa pag-ibig, na natutunan niya sa kanyang character sa ginagawang pelikula.

Aniya, “Alam mo kasi, when you love someone, laging may risk 'yan, e.

“Kailangan lang you don't lose faith in love and you have the courage to take risks.

“And then also, we don't have to forget to love yourself siguro, to know our worth, di ba?

“To know our value and we do not settle for anyone na magbibigay sa atin ng less than what we deserve.”

34th BIRTHDAY. Nagdiriwang rin ngayong araw ng kanyang ika-34 na kaarawan si Jodi.

Ayon sa aktres, wala na siyang ibang mahihiling pa para sa kanyang birthday.

Saad niya, “Sa totoo lang, wala na talaga akong mahihiling pa.

“It would be too much for me to ask about other things because He has blessed me with so much already.

“Siguro ano na lang, health, good health and long life [and ] wish ko na lang for other people.”

Ang kanyang leading man na si Ian Veneracion, na kasama niya sa pelikula at sa naturang presscon, ay nakapagbigay na ng regalo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabahagi ng aktres, “Meron siyang gift sa akin, binigyan niya ako ng painting.

“Yung painting na ginawa niya ang title is Moonlight Over Jerusalem.”

Ayon kay Ian, ang painting na ginawa niya ay perception niya ng mga nangyayari sa Holy Land, kung saan nagpunta si Jodi noong nakaraang Holy Week.

Samantala, hindi pa raw alam ni Jodi kung ano ang regalo sa kanya ng isa pang leading man niya sa pelikula na si Richard Yap dahil hindi pa sila nagkikita.

Sabi niya, “Hindi pa kami nagkikita [pero] kasi since painting sa 'yo [Ian], abangan natin.”

Subalit sa huli ay sinabi ni Jodi na masaya siyang kahit wala nang regalong matanggap kanino man.

“Naku, wala naman, sa totoo lang hindi na nga ako nag-e-expect ng regalo, wala na talaga.

“Kumbaga , yung maalala ka lang and ma-appreciate on your special day, masaya na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN