PEP SCOOP. Vina Morales's motion to stop Cedric Lee's visitation rights denied by San Juan RTC

Ibinasura ng San Juan Regional Trial Court ang hiling ni Vina Morales na huwag nang payagan si Cedric Lee na mabisita ang kanilang anak. Hindi rin kumbinsido ang korte na na-trauma si Ceana sa siyam na araw na nagkasama sila ng ama.


Isang reliable source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagpadala ngayong Biryenes ng hapon, June 17, ng kopya ng court resolution sa inihaing motion ni Vina Morales sa San Juan Regional Trial Court.

Ito ay kaugnay ng kahilingan ni Vina na ipatigil ng korte ang visitation rights ng ex-boyfriend niyang si Cedric Lee para sa kanilang seven-year-old daughter na si Ceana.

“Denied” ang desisyon ni Presiding Judge Cesar Pabel Sulit sa hiling ng singer-actress na huwag payagan si Cedric na makita ang anak.

Ayon sa dalawang pahinang resolusyon ng korte noong June 14: “WHEREFORE, the respondent’s [Vina Morales] prayer to hold in abeyance the visitation rights of the petitioner [Cedric Lee] hereby DENIED.

“Consequently, the petitioner is allowed to continue exercising his visitation rights over his child according to the agreement in the Order dated December 4, 2013.

“As stated in the Order dated June 8, 2016, the petitioner’s visitation rights shall commence this Saturday, June 18, 2016.”

BEHAVIORAL CHANGE. Sa motion ni Vina, sinabi nitong na-trauma diumano ang kanilang anak mula sa siyam na araw na kapiling nito ang ama.

Dahil dito, napagdesisyunan ng korte na kailangang may kasamang court reporter si Ceana tuwing magkikita sila ng ama.

Ayon sa resolusyon, “To address the respondent’s concern on the child’s alleged behavioral change, the visits must always be done in the presence of ‘chaperons’ and under supervision of the ‘court reporter.’

“No court reporter, no visitation rights.

“The court reporter must immediately inform the Court of any untoward incident that she may observe during the visitation exercises."

Ayon pa sa korte, walang konkretong ebidensiya na magpapatunay na nagkaroon ng behavioral change si Ceana.

At base na rin sa mga litratong ipinakita ni Cedric, wala raw manifestation na may kakaibang ikinikilos ang bata.

Saad pa sa resolusyon, “Thus, between the self-serving accusation of the respondent versus the pictures presented by the petitioner, the Court preferred the latter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The petitioner enjoys the disputable presumption 'that a person take ordinary care of his concerns,’ most especially for being the father to his daughter.”

Nagtalaga naman ang korte ng isang psychologist para mag-conduct ng interview at check-up kay Ceana.

Hinihingan na ng PEP ng pahayag sina Cedric at Vina tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN