Ryza Cenon follows fan's advice to start painting to overcome depression

Loveless, jobless, Ryza Cenon tries to find humor in all these, "Feeling ko tatanda na akong dalaga," she laughs.


Sa mansanas nagsimula sa pagpipinta ang Kapuso actress na si Ryza Cenon, “‘Tapos nun hinayaan na niya ako.”

Isang fan ang nag-encourage at nagturo sa kanya na magpinta na naging outlet ni Ryza upang makabangon mula sa depresyon.

“Kesa lumabas ka or uminom ka or mag-drugs ka, at least sa pagpe-paint nalabas mo siya,” sabi pa ng aktres.

Nakakabenta na rin si Ryza ng kanyang mga paintings na may rates na pinakamura na P5,000 at pinakamahal na P80,000.

Ang painting niya na may titulong Endless Joy ay binili mismo ng mga may-ari ng Chef Laudico Gueverra’s Restaurant at prominenteng naka-display sa naturang establishment.

Nagsimula ang partnership nina Ryza at ng Guevarra’s nang minsang nagturo siya ng pagpipinta sa mga bata hanggang kinausap na siya ng mga taga-Guevarra’s at aluking magkaroon doon ng art exhibit.

Twenty percent ng kabuuang kikitain sa sales ng mga paintings ni Ryza ay ido-donate niya sa GMA Kapuso Foundation.

Hindi raw kaya ni Ryza ang nude painting, “More on abstract po ako…Hindi masyadong detailed.”

Acrylic ang medium na ginagamit ni Ryza sa pagpipinta.

“Actually iba-iba, nag-oil din po ako dati ’tapos nag-watercolor din po ako.

“Nag-spray [paint] din ako, pero ang acrylic kasi mas mabilis i-blend.”

Mahigit limampu na ang naipipinta ni Ryza sa loob ng isang taon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa pinakauna niyang art exhibit, Independencia: Ang Panimula sa Chef Laudico Gueverra’s Restaurant sa San Juan City noong Huwebes, June 9.

SURVIVING. Loveless siya ngayon at hangga’t maari ay ayaw niyang pag-usapan ang naging relationship nila ng chef na si Tristan Encarnacion na tumagal lamang ng isang buwan.

Hindi sila magkagalit pero wala na sila anumang komunikasyon.

Wala raw nanliligaw si Ryza.

“Feeling ko tatanda na akong dalaga,” pagbibiro pa ng 29-year-old star.

Halos isang taong walang regular na trabaho si Ryza sa GMA matapos ang Adarna series na nagtapos noong March 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sumunod niyang regular series ay ang Kailan Ba Tama ang Mali na umere noong February 2015.

Ang pinakahuli naman ay ang Buena Familia na emere noong July 2015 at nagtapos nitong March 2016.

Paano siya nabuhay ng isang taong walang raket?

“Hindi ako lumalabas,” at natawa si Ryza. “Yun lang naman yun, e.

“Huwag lang lumabas para walang gastos, 'di ba?

“Tsaka meron naman din po akong ipon, siyempre.”

May mga TV guestings rin naman daw siya sa GMA.

Sinubukan din niya ang food business na pansamantalang binitiwan niya ngayon para mag-focus sa pagpipinta.

Ultimate Female Survivor si Ryza ng batch 2 ng StarStruck.

First Princess noon si LJ Reyes na ngayon ay nagpaka-daring sa love scene nila ni Luis Alandy sa indie movie na Anino Sa Likod Ng Buwan.

Hindi raw ito napanood ni Ryza, pero kung sakali kaya ba niyang gawin ang mga suggestive sexy scenes?

“Siguro, depende naman po sa script, kung gaano siya kaganda.

“Depende, baka ipapagawa lang yun ‘tapos wala namang story, so hindi siguro.

“Kung may story naman, why not, 'di ba?”

Nagtamo si LJ ng Best Actress award last year sa 13th Pacific Meridian International Film Festival sa Russia dahil sa Anino Sa Likod Ng Buwan.

Kaya ba niyang higitan ang ginawa ni LJ?

“Tingnan natin,” at tumawa si Ryza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN