PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee refutes Vina Morales's claim about financial support

Mariing kinontra ni Cedric Lee ang akusasyon ni Vina Morales na hindi niya sinuportahan ang kanilang anak na si Ceana. Sabi ni Vina, siya raw lahat gumastos para sa anak nila. Pero buwelta ni Cedric, apat na taon siyang nagbibigay ng P120,000 buwan-buwan para kay Ceana sa loob ng apat na taon.


Umalma na namang muli si Cedric Lee sa pahayag ng dating karelasyon na si Vina Morales na ang singer-actress lang daw ang gumagastos para sa kanilang anak na si Ceana.

Sinabi ni Vina sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes, June 17, “I am a single mom and I don’t ask anything financial for Ceana. Ako po lahat gumagastos sa anak ko.

“Dapat magpasalamat pa nga siya sa akin dahil wala na ngang suporta, may visitation rights pa.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Vina Morales on Cedric Lee: 'Ano ba ang gusto niya at ginugulo niya ako ngayon?'

Buwelta ni Cedric sa eksklusibong panayam ng PEP ngayong hapon, “Walang financial support? I gave her P120k a month for 48 months. Until Ceana was four years old.

“These are all on court records and testified by witnesses and she acknowledged.

“All of Ceana's expenses from tuition fees to medical expenses and toys.

“These all stopped when she [Vina] stopped sending Ceana to school and left their house to move to Ayala Heights.

“I even went to the school principal to pay the tuition for the third year, but the principal told me Vina will not send Ceana to that school anymore.

“My lawyer also asked her for a breakdown of Ceana's expenses, which according to him would be around P40 thousand [a month] only.

“Hence, I was giving her three times more than what was required for four years.”

“HUWAG KAYONG MAKUWENTA.” Ayon pa kay Cedric, kahit kailan ay hindi nagbigay si Vina ng breakdown ng mga ginastos sa kanilang anak noong nagsusustento pa siya.

“When my lawyer asked her how much is the breakdown of expenses, she replied, ‘Huwag kayong makuwenta. Mag-open na lang siya ng trust fund for Ceana. Hindi ko kailangan ang pera niya. Huwag na siya magbigay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then now she will claim that I never gave financial support?

"Why would I be so resolute in fighting for my time with my daughter when I know deep inside I never gave financial support?

“I won’t feel entitled to that.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Vina, sinabi nito tungkol kay Cedric: “Why don’t he focus on his wife and his two sons who need his attention more and support?”

Sagot ni Cedric, huwag idamay ang iba niyang mga anak dahil maayos ang relasyon niya sa mga ito.

“Huwag niyang isama mga anak ko dito. They are good and I’m spending time with them.

“My boys work out with me almost every day.”

Hiningi na ng PEP ang panig ni Vina tungkol sa panibagong pahayag na ito ni Cedric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN