Sen. Bongbong Marcos's son reacts to extension of LP SOCE submission

Sandro Marcos, son of Sen. Bongbong Marcos, tweets about the approved request of Liberal Party to extend the submission of Statement of Campaign Expenditures or SOCE, after the Liberal Party failed to submit their SOCE report on time.


Sa pamamagitan ng Twitter, nag-react ang anak ni Sen. Bongbong Marcos na si Sandro Marcos kaugnay ng balitang inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang apela ng Liberal Party (LP) na mag-extend ng deadline para sa pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Ang SOCE ay ang deklarasyon ng halaga na ginamit ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya “cash or in kind” galing man sa kanilang bulsa o mula sa donors.

Matapos ang deliberasyon ng Comelec en banc nitong Huwebes, June 16, nagdesisyon silang i-extend ang pagsa-submit ng SOCEs hanggang June 30.

Ang deadline dapat ng pagsusumite ay noong June 8.

Tweet ni Sandro: “Well look at that... How convenient. Why bother setting election laws if you aren't gonna follow them anyway.”

Nakapagsumite lamang ang LP ng kanilang SOCE nitong June 14, Martes, halos isang linggo matapos ang deadline noong June 8.

Si Mar Roxas, standard-bearer ng LP, ang tanging national candidate ang hindi nakapagsumite ng kanyang SOCE sa itinakdang deadline.

Kamakailan, naging usap-usapan ang posibleng pagdidiskwalipika kay Vice President-elect Leni Robredo dahil sa kabiguan ng kanyang partidong LP na isumite ang SOCE nito bago ang deadline.

Pero dumipensa ang abogado ni Leni na si Atty. Romulo Macalintal na maaari pa ring umupo sa puwesto si Leni kahit na nabigo ang kanyang partido na isumite ang SOCE nito dahil naisumite ng incoming vice president ang kanyang sariling SOCE.

Nauna nang nasangkot sa kontrobersiya si Sandro nang mag-tweet ito pagkatapos ng election hinggil sa diumano’y pandaraya ng LP sa bilangan ng mga boto.

Kinuwestiyon din ni Sandro ang diumano’y inconsistency sa bilang ng mga boto.

Ang kanyang ama na si Bongbong Marcos ang naging mahigpit na katunggali ni Leni sa vice-presidential race nitong nakaraang eleksyon.

Read: Bongbong Marcos's son apologizes for #DayaangMatuwid tweet

Inaasahang maghahain ng electoral protest ang kampo ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo sa June 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasaad sa Republic Act 7166, Section 14, “No person elected to any public offices shall enter upon the duties of his office until he has filed the statement of contributions and expenditures herein required. The same prohibition shall apply if the political party which nominated the winning candidate fails to file the statement required herein within the period prescribed by this Act."

Inaasahang limang senador, 115 congressmen, at 40 gobernador ang makikinabang sa extension ng pagsusumite ng SOCE at hindi makakaupo sa kanilang puwesto kung hindi naaprubahan ang extension.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN