Sunshine Dizon posts cryptic messages on Instagram about mystery woman

Sunshine Dizon to the woman in the photos she shared on her Instagram account: "See you and your husband real soon."


Sino ang babaeng nasa lawaran na ibinahagi ni Sunshine Dizon sa kanyang Instagram account ngayong araw, June 17?

Ito ang tanong ng ilang followers ng Kapuso actress sa tatlong magkakasunod na posts niya sa Instagram.

Sa unang post, makikita ang larawan ng isang handwritten letter:

“When I tell you I love you, I don't say it out of habit. I say it to remind you that you're one of the best things that ever happened”

Sa naturang post, inilagay ni Sunshine ang caption na ito: “Hello Clarissa! Clang Sison, Claris of St. Lukes Clarissa Soriano Sison”

Hello Clarissa! Clang Sison, Claris of St.Lukes ???? Clarissa Soriano Sison ???? @clang_sison @tantim99

A photo posted by Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) on

Sa kanyang sumunod na post, ipinost naman ni Sunshine ang larawan ng tinukoy niyang si Clarissa kasama ang diumano'y asawa nito, pero binura na niya ito.

Solo picture naman ng sinasabi niyang si Clarissa ang kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram followers.

Sa caption ay inilagay ni Sunshine ang caption na ito: “Oh and by the way, how was it like to live so near me?

“Exactly 3 floors up in the same building where my children and iI live.

“And did you also enjoy your U.S trip recently? So excited to hear all about it, im pretty sure your husband will be so happy also. I do hope its all worth it. ?#clarissasorianosison#stlukeshospitalqc@clang_sison #claris”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na alamin ang tungkol sa mga post ni Sunshine, sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message sa talent management na may hawak sa kanyang showbiz career, ang PPL Entertainment Inc., subalit hanggang ngayon ay wala pa kaming nakukuhang sagot.

Bagamat hindi pa tinutukoy ang relasyon ng sinasabi niyang si Clarissa sa kanyang buhay o sa kanyang pamilya, nagpakita naman ng suporta ang followers ni Sunshine sa Instagram.

Si Sunshine Dizon ay anim nang taong kasal sa kanyang mister na si Timothy Tan. Ikinasal sila noong March 20, 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon na silang dalawang anak; isang babae (5 years old) at isang lalaki (4 years old).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN