Vic Sotto on Maine Mendoza: "Ang dami mong talento. Ako'y saludo sa 'yo."

Vic Sotto to Maine Mendoza: "I know na you have that something to be a very good songwriter. Just keep it up. Ang importante sa pagsusulat ng kahit ano, letra man o musika, ang importante rito yung nanggagaling sa puso."

 


Buong pagmamalaking inihayag ni Vic Sotto ang kanyang suporta sa kapwa Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine Mendoza.

Kaugnay ito ng ipinamalas ni Maine na talento sa pagsulat ng original sound track para sa pagbibidahan nilang pelikula ni Alden Richards, ang Imagine You and Me.

Si Maine ang sumulat ng lyrics, si Vic ang naglapat ng musika, at si Jimmy Antiporda ang nag-areglo ng naturang kanta.

“May naramdaman akong kakaiba, e. Hindi siya out of the ordinary na lyrics ng kanta. Galing sa puso, e,” lahad ni Vic sa episode ng Eat Bulaga! ngayong araw, June 17.

Ayon pa kay Vic, naging madali para sa kanya na lagyan ng tono ang naturang kanta.

“Tinitignan-tignan ko lang yung letra. Nilalaru-laro ko lang yung magandang tono rito.

“Kausap ko si Misis [Pauleen Luna, ang kanyang asawa], kakanta ako ng kaunti...

“Tapos nung nasimulan, sa loob ng 30 minutes natapos ko na.”

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Vic para kay Maine.

“Maine ang dami mong talento. Ako'y saludo sa 'yo.

“Tulad ng nabanggit ko kanina, isang basa ko pa lang sa lyrics na ginawa mo, I know na you have that something to be a very good songwriter.

“Just keep it up.

“Ang importante sa pagsusulat ng kahit ano, letra man o musika, ang importante rito yung nanggagaling sa puso. Yung totoo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN