Jose Manalo on estranged kids: "Gusto ko rin na makapag-share sa kanila kahit papaano."

Jose Manalo expresses his wish to be reunited with his estranged kids: "Siguro hindi pa talaga ito yung right time na parang mag-together kami ng mga bata. Marami pang dapat asikasuhin. May mga cases pa rin na hindi pa rin naaayos. So yun pa rin."


Parang bukas na aklat ang buhay ni Jose Manalo bilang isang ama at asawa.

Hindi naitago sa publiko ang mga pinagdaanan ni Jose bilang isang pamilyadong tao at kung paano, sa kabila ng pagpapatawa niya araw-araw ay masasabing madrama naman ang totoong buhay-pamilya niya.

Para sa darating na Araw ng mga Ama ngayong Linggo, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose kung paano niya ipinagdiriwang ang pagiing isang ama sa tuwing sumasapit ang Father's Day.

Nakapanayam namin siya sa prescon ng bago niyang sitcom na Hay Bahay sa 17th floor ng GMA building noong June 13.

Nakatakdang umere ang romcom sa Kapuso network bukas ng gabi, June 19.

Saad niya, “Pag Father’s Day, sa nangyari sa buhay ko, hindi na 'ko nag-e-expect na may dadalaw sa akin.

“Hindi na 'ko nag-e-expect na may surprise sa akin,” kaswal na pahayag naman niya.

Sa halip, kapag Father’s Day raw, dumadalaw na lang siya ngayon sa puntod ng namayapang ama.

Ayon kay Jose, “Kapag Father’s Day, nandoon kami sa nanay ko.

“Ang tatay ko, kamamatay lang two years ago. So doon kami, sama-sama kami ng brother ko, nagse-celebrate pa rin kami.”

Hindi raw sila masyadong nagkikita ng mga anak niya simula noong magkaroon ng problema sa pagitan nila ng kanyang asawa.

Pero ayon kay Jose, bumabati naman daw ang mga ito.

“Mabait yung mga bata,” saad niya.

RELATIONSHIP WITH KIDS. Kinumusta rin namin kay Jose kung masasabi niyang mas maayos na ngayon ang relasyon niya sa mga anak niya.

Aniya, “Yung sa amin, kina Nicco at Dondi, yung dalawang nag-aartista, okey naman kami, wala namang problema.

“Siguro hindi pa talaga ito yung right time na parang mag-together kami ng mga bata.

“Marami pang dapat asikasuhin. May mga cases pa rin na hindi pa rin naaayos. So yun pa rin.”

REGRETS. Bilang isang ama, naitanong din namin kay Jose kung may mga “regrets” ba siya o panghihinayang na hindi niya nagawa para sa mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko, nang matapos ko ang pag-aaral nila at magkakasama kami, nagawa ko lahat.

“Ngayon, ang gusto ko na lang makita at magawa pa, kapag may mga pamilya na sila, gusto ko rin na makapag-share sa kanila kahit papaano.

“Yung pagpapaalala sa kanila bilang isang ama, gusto kong magawa yun kahit papaano,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN