Dennis Trillo gets a Father's Day headstart; bonds with family in dad's hometown

Dennis Trillo makes sure his son Calix will have good memories to cherish when he gets older: "Siyempre bilang ama, gusto kong makita sa kanya na walang angst sa buhay. Kaya ako, ginagawa ko lahat para maging masaya siya at hanggang sa paglaki niya, dala-dala niya ang masasayang memories na yun."


Bago pa man ang Father’s Day bukas, nagkaroon na raw ng advance Father's Day celebration ang Kapuso actor at bida ng primetime series ng GMA-7 na Juan Happy Love Story na si Dennis Trillo para sa espesyal na araw na yun.

Nagpunta raw sila sa Dumaguete City kasama ang kanyang daddy, ang anak niyang si Calix, at ilang miyembro ng pamilya nila.

Yun daw ang probinsiya talaga ng daddy niya.

Kuwento ni Dennis, “Actually, every year naming ginagawa ‘to, pumupunta sa Dumaguete, kasi happy siya kapag nakakauwi siya ng probinsiya.

“Siyempre, nandoon ang mga kaibigan niya.

“Every year namin ginagawa ‘to.

“Ngayon, ganun ulit, kasama namin ang buong pamilya.”

HANDS-ON DAD. Maayos naman daw ang relasyon ni Dennis sa kanyang anak at gayundin naman sa ina ng anak na si Carlene Aguilar na may sarili na ring pamilya.

Tuwing Father’s Day, kasama naman daw niya ang walong taong gulang na anak na si Calix.

Kumusta siya bilang tatay?

“Hands-on ako, e,” lahad niya.

“Spoiler ako na tatay pero hands-on din ako.

“Every time na magkasama kami, kahit na malaki na siya, sabay pa rin kaming naliligo.

“Siyempre yung mga bata, medyo tamad ‘yan maligo.

“Kailangan samahan mo pa or kailangan pilitin mo pa, so hanggang ngayon.”

LIKE FATHER, LIKE SON. Para kay Dennis, marami raw siyang ugali o katangian na nakikita niyang nakuha ng anak sa kanya.

“Kung hindi man siguro masyado sa physical, pero halos lahat ng ugali ko, hilig ko, gusto rin niya.

“Yung pagka-malambing niya, nanunuyo siya.

“Nakakatuwa kasi nakikita ko ang sarili ko kapag ginagawa niya yung mga bagay na yun,” masaya niyang obserbasyon.

MAKING GOOD MEMORIES. Bilang isang ama, tinanong din namin si Dennis kung ano ang mga gusto niyang makita sa anak paglaki nito.

Ayon kay Dennis, “Siyempre bilang ama, gusto kong makita sa kanya na walang angst sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ako, ginagawa ko lahat para maging masaya siya at hanggang sa paglaki niya, dala-dala niya ang masasayang memories na yun.

“Alam ko na napaka-importante na magkaroon ng magandang childhood para mas maging mabuti siyang tao sa paglaki.”

STUDIES FIRST, SHOWBIZ LATER. Inamin ni Dennis na sa edad na walo, nagpapahiwatig na rin ang anak na gusto nitong mag-artista.

Papayagan ba niya?

“Hindi ko alam, gusto niya pero sabi ko, tapusin niya muna ang pag-aaral niya,” lahad niya.

Ipinagmamalaki ni Dennis na bago siya pumasok ng showbiz ay nakapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN