Jake Cuenca reconciles with Sara Grace Kelley

Jake Cuenca on reconciling with Sara Grace Kelley: "The past has no relevance. For me, what I feel for her is special. Yung past ko, parang nabura lahat yun. When I met her, doon ko na-realize kung ano talaga ang pagmamahal."


Hindi na magagawang itanggi pa ni Jake Cuenca ang pagbabalikan nila ng kanyang American model girlfriend na si Sara Grace Kelly.

Kasama ni Jake si Sara sa presscon nila kahapon sa Romulo's Cafe.

Sa naturang presscon din niya tinanggap ang kanyang Best Actor award mula sa World Cinema Festival Brazil para sa pelikula niyang Mulat. Ito ay iginawad sa kanya ng direktor nila sa pelikula na si Diane Ventura.

Ito ang pangalawang international Best Actor award ni Jake. Nasungkit niya ang kanyang kauna-unahang Best Actor award noong 2015 mula sa International Film Festival Manhattan.

REUNITED. Matatandaang inamin ni Jake ang paghihiwalay nila ni Sara noong March, bago siya umalis papuntang Amerika para ipagpatuloy ang kanyang acting workshop sa New York.

Pero nang pumunta ito ng America, walang duda na naging daan yun para sa muli nilang pagbabalikan.

“I’m really happy, sobrang happy,” nakangiting pag-amin ni Jake.

“Isinama ko siya rito kasi ilang days lang siya rito, so sinusulit namin ang time namin.”

Nang magkita raw sila sa Amerika, nag-usap sila at nagdesisyon silang ayusin ang relasyon nila.

Magkaibigan pa rin naman daw sila kahit na naghiwalay noong una.

“Magkaibigan pa rin kasi kami, 'tapos nagkausap, naayos.

“I’m so happy. Lahat ng pagsusuyo ginawa ko,” patuloy pa niya.

Naniniwala siyang love is lovelier the second time around?

“Yes, love is lovelier the second time around,” nakangiting pagkumpirma niya.

SORTING OUT THEIR ISSUES. Sa pagbabalikan nilang muli, masasabi ba niyang kung anuman ang mga naging isyu nila dati ay naayos na nila ngayon?

Lahad niya, “Alam mo, it was the time apart na nakapagpa-realize sa amin na sobrang iba, sobrang special.

“It made me realize how special she is in my life.

“I always say it na may espesyal siya na lugar sa puso ko. Every word, I meant it, at gagawin ko lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ni Jake, “Sabi ko nga sa past interviews ko, yung past ko, for me, wala na.

“The past has no relevance. For me, what I feel for her is special.

“Yung past ko, parang nabura lahat yun. When I met her, doon ko na-realize kung ano talaga ang pagmamahal.”

Ngayon pa lang nakipagbalikan si Jake sa isang ex-girlfriend niya.

“Ngayon pa lang,” pag-amin niya.

Biniro namin si Jake dahil tila binasag ni Sara Grace ang record niya na wala siyang binabalikang ex.

Natawa si Jake at saka sinabing, “Well, totoo naman.

“Not to take anything from anyone, pero siguro, yung maturity ko rin as a person.

“Yung alam ko na kapag espesyal ang isang bagay, hindi mo dapat bitawan.

“Kung mawala man yun, you should try to get it back.”

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Naging problema nila dati ang long-distance relationship.

Ganun pa rin sila ngayon?

“Okey lang,” saad ni Jake.

“At the end, kahit naman nagka-long distance, kahit nag-break kami, alam namin na kapag mahal nyo ang isa’t isa, nakakahanap kayo ng paraan.

“Yun ang nangyari, gumawa kami ng parehong paraan. We found our ways.

“Ginawan niya ng paraan na pumunta sa akin. Nangyari ang nangyari.

“Ako, hindi na lang ako nega, hindi ko na lang iisipin ang distansiya.

“Basta ako, ito ang nararamdaman ko, ito ang sinisigaw ng puso ko.”

Hindi rin daw muna nila iniisip o pinag-uusapan ang future.

“One day at a time,” saad niya.

“Ang hirap, e. When you think too fast.

“Yung pressure, so yun ang pinagdesisyunan namin, we’re taking it one day at a time.”

Si Sara Grace Kelly na nga ba ang sa tingin niya'y huling babae para sa kanya?

“Wala akong ibang gusto,” tahasang pahayag niya.

Ngayong araw na ito ay may show naman si Jake sa Cebu para sa ineendorso niyang Guitar shirts and undergarments at kasama pa rin daw niya ang girlfriend para ipakita rin daw dito ang naturang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN