Glaiza de Castro no complaints about her career in GMA

"Hindi ko naman napi-feel na na-left out ako. Balanse lang talaga. Kung ano'ng binigay nila sa akin, yun din naman yung gusto kong puntahan," said Glaiza de Castro who's grateful to her home network for giving her good TV projects.


Aminado si Glaiza de Castro na may mga pagkakataong napapaisip siya kung ano ang patutunguhan ng kanyang showbiz career.

Ngunit malaki raw ang pasasalamat niya sa GMA Network dahil patuloy siyang nabibigyan ng oportunidad na maipakita ang kanyang talento sa pag-arte.

Pahayag ni Glaiza, “Oo naman [alaga ako ng GMA].

“Never nila akong… Hindi ko naman napi-feel na na-left out ako.

“Balanse lang talaga.

“Kung ano'ng binigay nila sa akin, yun din naman yung gusto kong puntahan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza matapos ang ginanap na #JoyRideJamwithPirena noong Huwebes, June 16.

Masaya raw sa pakiramdam na marinig mula sa GMA management na malaki ang tiwala ng mga ito sa kanyang kakayahan.

Lalo pa’t isa si Glaiza sa lead stars sa remake ng kilalang fantaserye ng GMA, ang Encantadia.

Positibo rin ang feedback ng GMA bosses kay Glaiza matapos umere ang paunang teaser ng naturang teleserye.

Lahad pa ng Kapuso actress, “Nung sinabi nila na kino-consider nila talaga ako for Pirena, nandun yung pressured ka pero at the same time grateful ka.

“Kasi malaking factor din na yung mga fans din yung nagpu-push for me.

“Grateful ako dahil ang laki ng suporta nila sa akin.

“Nasabi rin sa akin ng management na, 'Kinonsider ka rin namin dahil yung followers mo very passionate about you getting the role.'”

Sa loob ng 14 taon niya sa show business, natutunan ni Glaiza ang kahalagahan ng pagkakaroon ng go-getter attitude.

“As an actor, grateful ako na I’m still here working with new batch of actors.

“Kasi sa showbiz hindi mo naman masasabi kung hanggang kailan.

“Unless ikaw yung magsabi na ayoko na.

“May mga times na talagang mapapaisip ka hanggang saan kaya ako? Ano na kaya susunod sa akin?

“Pero it’s really up to you to continue learning, to continue evolving.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, desidido si Glaiza na pagbutihan lang ang kanyang trabaho.

Nakangiting saad ng 28-year-old actress, “So, para sa akin message ito na you just have to challenge yourself to adapt to different people, circumstances and challenges.

“Para sa akin panibagong assignment ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN