Will Aljur Abrenica spark a love triangle between Janine Gutierrez and Elmo Magalona?

Aljur Abrenica says he doesn't care if the girl he falls for is already involved with someone else, and that he'll still pursue her: "Pag ganyan, pag-uusapan natin 'yan, kahit taken yan, susuyuin ko pa rin. Pag na-in love ako."


Magkakilala sina Aljur Abrenica at Elmo Magalona.

Si Aljur ang leading man ni Janine Gutierrez sa Once Again na drama series ng GMA samantalang si Elmo naman ang kasintahan ni Janine.

Close friends ba sina Aljur at Elmo?

“Nagkakausap kami,” ang sagot ni Aljur.

“Sa Sunday All Stars [Sunday All Stars], lagi kaming magkasama.

“May grupo kami dati—ako, siya, si Jake Vargas, may grupo kami every week.

“Kumakanta kami ng mga One Direction [songs]…

“Nagkakausap kami, kasi idol ko yung tatay niya e, si Francis M.”

Pero noon pa iyon; dalawang taong umere ang SAS na nagtapos noong Agosto, 2015.

Lately ay wala silang anumang komunikasyon ni Elmo.

“Hindi namin alam ang number ng isa’t isa, e,” sinabi ni Aljur.

DETERMINED. Dumating na ba si Aljur sa punto ng buhay niya na umibig siya sa isang babaeng may kasintahan o karelasyon na?

At ano ang ginagawa niya; itinutuloy ba niya o pinipigilan niya ang damdamin niya?

Pag-amin niya, “Pag ganyan, pag-uusapan natin 'yan, kahit taken yan, susuyuin ko pa rin.

“Pag na-in love ako.”

So deadma siya kahit may ibang karelasyon ang isang babaeng nagustuhan niya?

“Oo.”

LOUISE-ENZO TRIANGLE. Nagkaroon na ng ganitong slant ng intriga kay Aljur dati; nadawit siya sa relasyon nina Louise delos Reyes at Enzo Pineda noon.

Sabi niya, “Hindi kasi ako nagsalita dun, e! Sa akin na lang yun.

“Tapos na yun.”

Kahit kay Janine ay naikuwento ni Aljur ang pangyayari.

“Kahit siya [Janine] alam niya ang totoo… hindi pala yung totoo, alam niya yung side ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang members ng media si Aljur sa taping ng Once Again sa Century Park Hotel kamakailan.

DEFENDING ENZO. Nang may nagbanggit na reporter na tila may pagka-suplado si Enzo, mabilis itong ipinagtanggol ni Aljur.

“Mabait na tao yun! Alam mo kung ako ang nasa lugar niya, baka iba nagawa ko,” ang makahulugan pang sinabi ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabait siya.”

AWKWARD KISSING SCENE. Tumatawang naikuwento naman ni Aljur na sa mga unang eksena ng halikan nila ni Janine sa Once Again ay tila umiiwas si Janine.

“Yung mga unang kiss namin talaga, gumaganun talaga siya, umiiwas siya.

“Sabi ko, ‘Ano ka ba, takot ka ba? Bakit ka umiiwas?’

“Siyempre wholesome ako, e,” ang tumatawang pagrarason naman ni Janine na katabi ni Aljur during our interview.

“Kinakabahan ako, e,” ang dagdag pang sinabi ni Janine.

POSITIVE REVIEWS. Samantala, masaya sina Aljur at Janine na kahit sa ibang bansa ay tinatangkilik ang Once Again.

“Sobrang nakakatuwa po,” saad ni Janine.

“Lalo na kapag may mga nagtu-tweet na taga-ibang bansa kasi pinapalabas yata siya ng madaling-araw dun, e.

“Kaya madaming nagtu-tweet na inaabangan nila, magpupuyat daw sila para makapanood.”

Sinabi naman ni Aljur na nababasa niya ang mga magagandang comments sa show nila sa social media.

“Napa-Twitter ako ulit para dun, para magbasa ng mga comments,” sinabi ng binata.

Dati raw kasi ay hindi aktibo si Aljur sa social media.

“Natutuwa ako dahil napapansin nila yung hardwork namin ng buong team ng Once Again.

“Talagang pinaghuhusayan namin and as much as possible, nagbe-brainstorm kami kung paano pa mas lalong mapapaganda yung show.

“We’re working as a team talaga and we’re all passionate about our craft,” pahayag pa ni Aljur.

BETTER ACTOR NOW? Ikinatutuwa rin ni Aljur ang comments ng marami na malaki na ang improvement ni Aljur sa pag-arte.

“Nagpapasalamat ako sa kanila,” ang pahayag ni Aljur.

“Salamat dahil ever since naman pinaghihirapan ko every project, e.

“Ang mas naa-appreciate ko kasi is the progress, not the… yung mismong nakita lang nila.

“Yung proseso, 'di ba? You keep on striving for your best, 'di ba?”

At inspirado siyang magtrabaho dahil sa lagi niyang kasama sa trabaho.

“Oo, nai-inspire ako na si Janine ang kasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nai-inspire din ako sa mga pinagdaanan natin.

“Nai-inspire din ako sa mga pinagdadaanan ng ibang mga artists sa industriya, di ba?

“May purpose tayo dito e, sa industriya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN