Ciara Sotto still believes in forever because of dad Tito Sotto

Though Ciara Sotto broke up with her husband last January, the actress said that she still believes in forever because of her dad, Sen. Tito Sotto.


Nag-post ng mga pagbati ang ilang artista ngayong Father's Day, June 19, biglang pagkilala sa mga haligi ng tahanan.

Sina Ciara Sotto, Ruffa Gutierrez, Regine Velasquez, Kim Chiu, Pauleen Luna, at Angel Locsin ay ilan lamang sa mga artista na nag-post sa kanilang social media accounts upang bumati ng Happy Father's Day.

Maikli pero makabuluhan ang mensaheng ipinost ni Ciara Sotto sa kanyang Instagram account para sa kanyang amang si Sen. Tito Sotto.

Nagpasalamat si Ciara sa kanyang ama dahil sa pag-aalaga sa kanya at sa anak niyang si Crixus.

Dugtong pa ng single mom, “Dahil po Sa inyo, naniniwala pa rin ako Sa forever....”

Ang kanyang caption ay may taglay pang hashtag na #mayforeverkaytatay.

Nitong Enero, kinumpirma ni Ciara na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Joe Oconer at third party ang itinuturong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

READ: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer

Madamdamin din ang Father's Day post ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na binanggit ang kanyang amang si Mang Gerry na pumanaw noong 2014.

Naging madamdamin din ang post ni Pauleen Luna para sa kanyang ama.

Pinuri at pinasalamatan naman ni Ruffa Gutierrez ang amang si Eddie Rodriguez ngayong espesyal na Araw ng mga Ama.

Narito pa ang ilang artista na bumati para sa Father's Day.

To all the Dads who work hard at being a Dad, Happy Father's Day!???? #happyfathersday #fathersday

A video posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN