Was Miss Philippines-Earth 2016 a victim of pageant bullying?

Miss Philippines-Earth 2016 Imelda Bautista Schweighart claims to have been bullied by her fellow candidates.


Inamin ng newly-crowned Miss Philippines-Earth 2016 na si Imelda Bautista Schweighart na biktima siya ng pambu-bully mula sa mga kapwa niya kandidata sa nasabing beauty pageant.

“I’m a victim of pageant bullying. There were vicious women in the pageant. Everybody hated me,” lahad ng beauty queen sa panayam niya sa Philippine Daily Inquirer, na lumabas ngayong Linggo, June 19.

Tinalo ni Imelda ang mga kapwa niya kandidata sa nasabing beauty pageant na ginanap sa UP Theater sa Quezon City noong nakaraang linggo, June 11.

Si Imelda ay isang Filipino-German at mula sa probinsya ng Puerto Princesa, Palawan.

Sabi ng 21-anyos na dalaga, bago ang grand coronation night ay ninakaw mula sa kanya ang kanyang mga sapatos at make-up at hindi siya tinulungan ng kanyang mga kapwa kandidata.

“I’m surprised they went missing because I’m a very organized person. They were stolen, and my fellow candidates didn’t help,” saad niya sa interview.

Ang nakikita raw niyang dahilan ay ang inggit sa kanya dahil siya ang malakas na kandidata at sunud-sunod ang mga panalo.

Kuwento pa niya, noong araw ng closed-door preliminary, may isang kandidata na nagbigay sa kanya na isang uri ng oil.

Sinabihan daw siya ng nasabing kandidata na isa itong brain booster na ininom naman ni Emilia dahil pinagkakatiwalaan ang nasabing kapwa kandidata.

“But it made my sinuses act up and gave me a sore throat. I still felt sick until coronation [night]. I even got a toothache and I felt pain all over,” kuwento niya.

May mga nakakarating din daw sa kanyang hindi magagandang sinasabi sa kanya ng ibang kandidata at walang kumampi sa kanya.

Hindi lang daw siya ang naging biktima ng ganitong karahasan.

Nang makausap daw niya si Jamie Herrell, Miss Earth 2014, nakaranas din daw ito ng mga parehong pangyayari, kagaya ng pagkawala ng kanyang mga swimsuit at mga sapatos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaranas din daw ng bullying abroad si Miss Earth 2015 Angelia Ong.

Ani Imelda, sinikap ng kanyang mga katunggali na pahinain ang kanyang loob pero hindi siya bumigay.

“I had to kill the demons and survive,” pahayag niya.

Para naman sa mga naninira sa kanya, umaasa si Imelda na makapaghanap sila ng “forgiveness and peace.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN