Nadine Lustre surprised by No. 1 rank in FHM Sexiest Women poll

Nadine Lustre on FHM Sexiest Women poll: "Kung sinuman ang manalo, I will be happy for them for sure, deserving talaga sila."


Hindi makapaniwala si Nadine Lustre na may pagkakataong umakyat sa Number 1 ang ranking niya sa Sexiest Women in the Philippines poll ng FHM.

Saad niya, “Hindi ko talaga ini-expect, kasi noong una, pang-50 plus, last year [2015], and then biglang nag-9, nag-8... tapos nag-1!

“Sabi ko, joke ba ito? Hindi ako makapaniwala, until FHM posted na number one.

“But, I guess, ganoon talaga ang JaDines, talagang supportive sila. Very supportive sa lahat ng bagay.

“Happy ako na, at least, hindi ko na alam ang update ngayon, marami na ang nagsasabi na iba na yung definition ng sexy.

“But then, kung sinuman ang manalo, I will be happy for them for sure, deserving talaga sila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa launch ng Team Real, ang libro nila ng kanyang boyfriend na si James Reid, kahapon, June 19.

Kung sakaling siya ang manalo at imbitahan ng FHM staff sa victory party, dadalo ba siya?

“Hindi ko alam kung puwede!” natawang sagot ni Nadine.

Nagbiro pa ang Viva star na natakot nang bumoto ang fans niya pagkatapos i-post ni James ang reaksiyon nito.

Read: James Reid reacts to Nadine Lustre being No. 1 in FHM 100 Sexiest poll

Mixed emotions naman ang naramdaman ni James nang makarating sa kanya ang balitang nanguna noon sa botohan ang girlfriend niya.

Sabi niya, “It’s a joke but... I was just playing around.

“Mixed emotions... I mean, sexy naman si Nadine, so it’s okay.”

Pinabulaanan din ni James ang mga haka-hakang na-offend siya sa resulta ng FHM poll.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN