Jerome Ponce reveals crush on Loisa Andalio

Aminado si Jerome Ponce na may paghanga siya kay Loisa Andalio noon pa man. Pero alam daw niyang mainit ang love team noon ng dalaga kay Joshua Garcia kaya hindi niya ito ipinaalam.


Biglang napaamin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerome Ponce na crush niya ang kanyang bagong ka-love team na si Loisa Andalio.

Sa presscon ng bagong pagtatambalan nilang Wansapanataym episode kahapon, June 20, sinabi ng 21-year-old actor na matagal na siyang may paghanga sa dating Pinoy Big Brother: All In housemate.

Sabi ni Jerome, “Actually, noong PBB days, may paghanga lang, sinabi ko yun kay Janella [Salvador].

“Tapos siyempre, alam kong andiyan si Joshua [Garcia], naging kakulitan, friends.

“And hindi naman po kasi ako na parang andun yung utak ko sa crush ko, ipupursige ko o ano.

“Andun ako sa ini-enjoy ko lang yung araw-araw ko na trabaho.

“Ito, katrabaho ko siya, ini-enjoy ko lang.”

Hindi naman ikinatuwa ni Loisa ang pagkukuwento ni Jerome kay Janella na crush siya ng binata dahil feeling daw nito, bina-backstab siya ng ka-love team.

Pero paliwanag ni Jerome, “Kay Janella ko lang inamin yun, tapos sinasabi niya [Loisa], akala niya na may sinasabi akong masama tungkol sa kanya.

“Tapos nang sinabi ni Janella sa kanya na crush ko siya, hindi siya naniwala.

“Kaya ikinatuwa ko na hindi niya alam. Ngayon, alam na niya, yun.”

Posible ba siyang ma-develop kay Loisa ngayong sila ang bagong ipinapareha ng ABS-CBN?

Tugon ni Jerome, “Don’t know. Depende siguro sa panahon.

“Hindi pa dun naka-set ang utak ko.

“Naka-set lang ako… masaya ako ka-work siya and enjoy talaga ako dahil wala akong inisip na malisya.

“Wala akong inisip na parang ginagamit ko yung work para kausapin siya, para mapalapit sa kanya.”

Natawa naman si Loisa sa naging rebelasyong ito ni Jerome.

Sabi niya, “Nabigla ako.

“Kasi si Jerome, parang nagti-trip lang, hindi ko ini-expect na may crush siya sa akin noon.”

Sa ngayon daw, napi-pressure ang dalawa sa malaking project na ipinagkatiwala sa kanila ng ABS-CBN.

Mapapanood na sa darating na Linggo, June 26, ang Wansapanataym Presents Candy’s Crush nina Jerome at Loisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN