Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach posts sentimental message on Father's Day

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang ama ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, ngunit hanggang ngayon ay naiiyak pa rin daw siya kapag naaalala niya ang 'iniwang' regalo nito sa kanya.


Naging emosyunal si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach noong Father’s Day dahil naaalala niya ang kanyang pumanaw na ama na si Uwe Wurtzbach.

Namatay ang German father ni Pia noong 2014.

Aminado si Pia na isa siyang daddy’s girl kaya tuwing kaarawan ng ama at Father’s Day ay labis ang pangungulilang nararamdaman niya.

Noong Linggo, June 19, eksaktong araw ng mga ama, sinariwa ni Pia ang isang pangyayari noong taong 2015 sa araw na pumirma siya ng kontrata sa Miss Universe bilang contestant.

“When I was called by the lawyers of Miss Philippines to sign my contract as a Miss Universe contestant, I read through all the pages and at the end of it I said: 'Atty what day is it?' Besides my signature, I had to write the date. He turned to me and said 'August 24.' That's my dad's birthday and at that moment I cried because I thought it was my gift from him. Thank you, Papa. – Mausi.”

Dagdag pa ng 26-year-old Pinay beauty queen, kahit na istrikto at disciplinarian ang ama ay marami siyang natutunan dito.

“My father is the reason why I'm strong, why I am constantly seeking knowledge and why I never give up or settle. He was strict and taught me discipline but he was also very loving and taught me loyalty and compassion. Thank you, Papa. I pray that you're safe in God's arms now. Love always, Pia. #HappyFathersDay


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN