Alden Richards excited to celebrate AlDub first anniversary with Maine Mendoza

Alden Richards on his love team with Maine Mendoz: "We never thought na aabot kami ng isang taon with this."


Sa kabila ng kanyang busy schedule, importante pa rin daw para kay Alden Richards ang magkaroon ng oras para sa sarili at sa mga mahal niya sa buhay.

“Maganda kasi ang time if you're willing to share.

“Sinabi ko nga, if you care for someone, you give them time. Also you give time for yourself.

Kumbaga, hindi naman po mawawala yun; sometimes sobrang busy, nawawalan na ng time sa sarili, nakakalimot na sa personal na pampaligaya sa sarili.

Importante pa rin po talaga na regardless how busy we are, we have to never forget to give time to the people that we love and to ourselves.

Siyempre, ikaw 'to, e. Kung wala ka nang time sa sarili mo, paano mo pa bibigayan ng time yung ibang tao?”

Nakausap ng press si Alden nang ipakilala siya bilang bagong endorser ng TechnoMarine watches ngayong hapon, June 21.

TIME FOR ALDUB ANNIVERSARY. Isa sa mga importanteng paglalaanan ng oras ni Alden sa mga susunod na araw ay ang paghahanda para sa anniversary ng love tea, nila ni Maine Mendoza, ang AlDub.

“Of course, July 16, when it all started. We're very excited, kami ni Maine,” sabi ng Pambansang Bae.

Ayon kay Alden, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala ni Maine sa narating ng kanilang love team.

Nag-umpisa ang AlDub sa “Juan for All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga! at nagkaroon na rin ng sariling segment na tinawag na “Kalyeserye.”

Sabi ni Alden, “For example, kahapon [June 20], may TV shoot kami, parang ang bilis ng mga pangyayari.

“We never thought na aabot kami ng isang taon with this. Sobrang happy lang.

The past few months of AlDub, siyempre we've had a fair share of criticisms—may good, bad, very bad, very good.

“But, at the end of the day kasi, it's what we believe in, e—kung ano ang pagkakaintindihan namin ni Maine at kung ano ang meron kaming dalawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At bilang regalo sa kanilang fans, inihahandog nina Alden at Maine ang kanilang upcoming movie, ang Imagine You and Me.

Sabi ng Kapuso star, “Doon ako super excited.

“Looking forward ako doon.

“Siyempre ngayon, it's going to be one of the highlights of AlDub.

“Parang regalo namin yun sa mga sumusuporta sa amin.”

Panghihikayat pa niya sa fans, “Abangan niyo ang trailer!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN