Alden Richards Pampanga concert postponed due to bomb threat

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga organizer ng concert ni Alden Richards sa San Fernando, Pampanga, mula sa isang nagbantang may bombang sasabog sa mismong gabi ng concert ng Kapuso star.


Kinumpirma ng isang executive ng GMA Artist Center (GMAAC) ang postponement ng concert ni Alden Richards na AldenVasion, na gaganapin sana sa The Laus Group Events Centre, San Fernando, Pampanga, sa June 24.

Ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Unang naglabas ng official announcement ang CCA Entertainment Productions, ang producer ng AldenVasion, tungkol sa concert postponement.

"We are postponing the event due to persistent reports that may endanger the safety of the artist and the audience.

"It has been decided that a thorough investigation be made to address the issue. We will announce the new date soon!"

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga concert organizer mula sa isang nagbantang may bomba na sasabog sa mismong gabi ng concert ni Alden.

Hindi ipinagwalang-bahala ng mga concert producer ang bomb threat kaya nagpasya silang ipagpaliban muna ang AldenVasion.

Bukod sa bomb threat, may mga natatanggap ding pagbabanta na, diumano, magiging another Christina Grimmie si Alden.

Si Grimmie ang The Voice Season 6 third placer na binaril ni Kevin James Loibl noong June 10, pagkatapos ng concert ng 22-year-old American singer/songwriter sa Orlando, Florida.

Nasawi si Grimmie dahil sa natamo niyang tama ng baril.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN