Jodi Sta. Maria confirms breakup with Jolo Revilla: "We are no longer together, but we are friends."

Without going into details, Jodi Sta. Maria finally confirms breakup with Jolo Revilla. The two have reportedly started dating back in 2012.


Kinumpirma ni Jodi Sta. Maria na hiwalay na sila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Ito ay matapos ng ilang buwang espekulasyon tungkol sa tunay ng estado ng relasyon sa pagitan ng celebrity couple.

Pahayag ni Jodi, “No, we are no longer together, but we are friends.”

Base ito sa panayam ng Kapamilya actress sa Tonight With Boy Abunda nitong Martes ng gabi, June 21.

Noong June 10, naiulat ang tungkol sa natanggap na feed ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ilang buwan na diumanong hiwalay sina Jodi at Jolo, ngunit nagkaayos din kamakailan.

June 8 nang namataan ang dalawa na magkasamang dumalo sa opening ng isang cat cafe sa Las Pias City.

Read: Jodi Sta. Maria, Jolo Revilla still in a relationship

Ilang oras matapos mailathala ang naturang report ay nagkapalitan ng mensahe si Jodi at ang awtor na ito sa pamamagitan ng Twitter.

Dito ay maayos na nagtanong ang Kapamilya actress hinggil sa lumabas na ulat ng PEP.

Nabanggit ng may-akda na ang mga ginamit na larawan ay mula sa Instagram ng aktres at ng cat cafe kung saan sila namataan ni Jolo.

Nang tanungin kung may nais siyang klaruhin kaugnay ng naturang ulat, hindi na muli sumagot si Jodi.

Matatandaang unang naiulat ang tungkol sa pausbong na ugnayan nina Jodi at Jolo noong 2012.

Minsan na ring inamin ng dalawa na inspirasyon nila ang isa't isa, at kalaunan ay madalas silang makitang magkasama sa kanilang holidays vacations at piling media-covered events.

Gayunman, consistent sina Jodi at Jolo sa pagiging low-profile noong panahong sila ay magkarelasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN